Does it have anything to do with their roles? Si Pyar kasi ang contract star ng World Arts Cinema at siya ring mas dominante ang photo sa mga poster ng movie. Pero, sa roles yata nagkatalo dahil mas bida si Maricar. Sa kanya umikot ang istorya ng pelikula. Hindi totoong suppport siya ni Pyar.
"Di ako suporta sa pelikula. Parehong lead ang roles namin ni Pyar," ani Maricar naman na nagpigil ng pagpapaseksi sa movie dahil aniya ay hindi niya solo ang pelikula. "Saka na ako magpapakitang gilas, pag solo ko," pangako niya, referring to her next movie na ibibigay sa kanya ni Ms. Jojo Galang. "Mas daring ito," imporma niya.
Contract star si Maricar sa Regal Films pero pinapayagan siya nitong gumawa ng pelikula sa labas. At hanggang di niya natatapos ang 12 movies na nakasaad sa kontrata niya hindi siya makakawala sa Regal. Hindi naman gusto na niyang kumawala. "Okey naman ako dito. In fact, bida ako sa tatlong pelikula na ginawa ko sa kanila. Nakakagawa naman ako sa labas. Wala akong reklamo," dagdag pa niya.
Tatatlong taon pa lamang na artista si Maricar pero, marami na siyang nagagawa. At hindi na siya nagdaan sa pagganap ng mga minor roles. She could have made it earlier pero, talagang ang pagpapaseksi ay pinag-isipan niya ng husto. "Hindi overnight decision yun. Pinag-usapan yun ng family ko. Pumayag naman sila dahil alam nila na gusto kong sumikat at kung yun ang magiging paraan, hindi sila hahadlang, susuportahan panila ako," pagmamalaki niya.
Kung hindi siya nagtagumpay, mayroon naman siyang ibang magagawa. Magagamit niya ang kanyang tinapos sa kolehiyo or she can continue hosting for TV. Pero, nakatakda siyang sumikat. "Kaya nga pinagbubuti ko ang trabaho ko. Gusto ko ring makilala sa aking trabaho. Mayroon bang artista na hindi nangangarap mabigyan ng recognition?" tanong niya.
Si Uro ang direktor ng Buko Pandan ng World Arts Cinema, isang sexy film. Direktor din siya ng top grossing film sa MMFF na Bahay ni Lola, isa namang horror film.
Bilang direktor, anim na pelikula na ang nagagawa niya. Gumawa siya ng bold movies, ang Sagad Sa Init with Ara Mina na kung saan ay agad siyang nabinyagan bilang isang bold director. "Wala naman akong ipinakita sa pelikula," pagtatanggol niya. Second bold niya ang Katayan with Maricar and Jomari Yllana.
Naging co-director siya ni Christopher de Leon at Peque Gallaga. Bago ito ay naging writer muna siya. Sumali siya sa Palanca at nang manalo ay ipinahanap siya ni Ishmael Bernal. Sa kanya siya nagsimula ng kanyang showbiz career.
Sinabi ni Uro na lumaki siya sa sinehan. Dati ay nagtitinda lamang siya ng mani sa sinehan na nasa harap lamang ng kanilang bahay sa probinsya sa Lucban, Quezon. "Pagdating ng last full show, memorized ko na ang script ng movie," kwento niya.
Sinabi niya na magkapareho ang bigat ng roles nina Pyar at Maricar sa kanyang pelikula. "Pareho naman silang bida kaya lamang wala akong problema kay Pyar pagdating sa baring, Wala siyang kyemeng maghubad," aniya.