Sikat na singer, nililigawan ng tomboy na direktor!

Balitang nililigawan ngayon ng tomboy na direktor ang isang sikat na sikat na singer. Magkaiba ng TV network ang dalawa. Madalas ding maimbitahan ang singer na maging guest sa TV station na pinagtatrabahuhan ng lesbyanang direktor at napakagiliw nito sa magandang singer.

Pero malabong magkaroon sila ng relasyon dahil hindi yata type ng diva na pumatol sa isang Tibo. Hinahanap na nga nito si Mr. Right dahil matagal-tagal na rin siyang loveless matapos makipaghiwalay sa isa ring sikat na singer na may pamilya na ngayon.
Mga Hula Sa Year Of The Horse
Magaling ding manghula o mag-vibrate ang aming kaibigang si Madam Rose (hindi Madam Rosa) na dating guro. Ito ang kanyang vibration sa taong ito:

Rica Peralejo
– Mag-aasawa na sa taong ito at magiging maligaya siya sa piling ni Bernard Palanca.

Sharon Cuneta
– Higit siyang magtatagumpay sa kanyang mga negosyo at magiging stable pa rin ang kanyang career.

Jolina Magdangal
– Mas hahataw sa pagiging singer kaysa sa pagiging artista. Mas darami ang kanyang singing commitment sa abroad gayundin sa bansa.

Aiai delas Alas
– Marami pang intrigang darating sa buhay pero malulusutan niya ang mga ito.

Angelika dela Cruz
– Mabait na bata si Angelika kaya magiging matatag pa ang kanyang career lalo na at nasa kwadra na siya ng Viva Films.

Assunta de Rossi
– Matapos magkamit ng award ay mabibigyan pa siya ng matitinding proyekto na kikilala sa pagiging magaling na artista. Baka tanghalin siyang dramatic actress at makakuha uli ng acting award.

Movie Industry
– Muling sisigla ang ating pelikulang Tagalog at kahit mahirap ang buhay ay patuloy pa ring magpo-prodyus ng pelikula ang iba’t-ibang kompanya. Marami pa ring baguhang prodyuser ang mae-engganyo na magprodyus at nariyan pa rin ang mga sexy movies na patuloy na tinatangkilik ng mga manonood.
Bagong Produ, Tutulong Din Sa Movie Industry
Magagandang pelikula ang nais na ihandog ng prodyuser ng Mga Batang Lansangan... Ngayon, ang Manhattan Asia Films na pag-aari ni Valerie. Bilang isang matagumpay na negosyante ay pinag-aaralan din niya ang pasikut-sikot sa paggawa ng pelikula at personal na nangangasiwa sa produksyon mula sa syuting hanggang sa promosyon nito.

Nais niyang makatulong sa maliliit na bahagi ng industriya sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na paggawa ng pelikula. Ipinagmamalaki nito ang mga Batang Lansangan na hindi nakapasok sa Magic 7 sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Gayunpaman blessing in disguise naman dahil nakakuha ito ng magandang playdate at ngayon ay tinatangkilik ng maraming manonood lalo na ng mga bata.

May magandang mensahe ang pelikula kung saan ang kasamaan ay hindi maaaring mangibabaw sa kabutihan. Tampok sina Bobby Andrews, Sunshine Dizon, Shaina Magdayao at Joanna Gonzales mula sa direksyon ni Joe Carreon.
Jolina, Mahilig Din Sa Mga Bata
Napasyal kami sa magarang tahanan ni Jolina Magdangal sa paanyaya ng kanyang amang si Jun noong New Year’s Day. Super ganda ng kanilang bahay kung saan personal na nag-ayos ng buong kabahayan ang mag-asawa at may kaalaman din sa interior designing si Paulette, mommy ni Jolina.

Napagkwentuhan namin ang mga dahilan kung bakit ang isang artista ay patuloy sa pagtatagumpay at ang iba naman ay nangungulimlim na ang career.

Hanggang ngayon ay stable pa rin ang career ni Jolens. Ano ba ang sikreto ng kanyang tagumpay? "Alam mo Tita, napangalagaan ko ang aking image dahil karamihan sa aking mga tagahanga ay puro mga bata. At saka yong tapat na pakikisama sa mga tao. Noong nagkaroon ako ng show sa Amerika ay talagang humaharap ako sa kanila pagkatapos ng show kahit pagod ako ay nagpapakuha ako ng picture kasama sila. Kahit mahaba ang pila para sa autograph signing ay pinagbibigyan ko sila. Like kung 300 ang nakapila ay 300 din ang pipirmahan kong mga larawan. Kahit nanginginig na ako sa ginaw dahil nasa labas ng venue ang mesa ay pinagbibigyan ko ang kanilang kahilingan. Kaya naman pag may concert ako o show ay naroon din sila parati," sey niya.
‘Girl Fever’, Puno Ng Katatawanan
Bilang opening salvo ng Solar Films ay isang pelikulang hitik sa katatawanan ang kanilang handog sa mga manonood. Pinamagatang Girl Fever, nakatutuwang istorya ng isang lalaki na gagawin ang lahat ng paraan sa daan-daang babae na nakatira sa isang eksklusibong dormitoryo para lamang matagpuan niya ang tunay na pagmamahal na siyang pupukaw sa uhaw na damdamin.

Itinuturing na Europe’s hottest version ng American Pie ng Hollywood ang bagong movie na ito na pinangungunahan nina Chad Donella (Final Destination), Erinn Barlett, Jennifer Morrison, Clint Howard at Steve Monroe. Sa direksyon ni Michael Davis ng 100 Girls ang Girl Fever ay sinuportahan ng pinakamagandang estudyante sa iba’t-ibang unibersidad sa buong Britain.

Show comments