Dad ni Jolina, boto kay Rafael Rosell IV
January 6, 2002 | 12:00am
Inamin sa mga kausap niyang myembro ng press ni Jun Magdangal, ama ni Jolina Magdangal at tumatayong manager ni Jolina, na hindi siya papalag kapag si Rafael Rosell IV ang manligaw sa kanyang anak. Kinukulit si G. Magdangal ng press tungkol sa diumano ay sinasabi ng Norwegian showbiz newcomer na crush niya si Jolina.
"Alam nyo, napaka-hyper ni Rafael. Wala siyang ginawa kundi ngumiti nang ngumiti, napaka-playful niya, parang bata," panimula ni Jolina sa presscon ng kanyang pelikula ng Kung Ikay Isang Panaginip ng Star Cinema na mapapanood na rin finally sa January 30. Katambal niya rito sina Leandro Muñoz at Rafael Rosell IV with John Lapus, Kaye Abad, Buboy Garovillo, Denise Joaquin at Rio Locsin. Last movie rin ito ng namayapang si Nida Blanca.
Is Rafael courting her?
"Hindi! Nagdi-date kami, yung group date pero di dahil mag-on kami kundi dahil magkaibigan kami. At home siya sa akin at ganun din ako sa kanya.
"Siguro, kaya sinasabi nilang nanliligaw siya sa akin is because I attended his birthday party. Bakit naman hindi eh, sabi ko nga, magkaibigan kami. At madalas siyang dumaan ng taping (Arriba! Arriba!) para lang mag-hi.
"Kung paraan ng panliligaw yun, ayaw kong isipin. Baka magkamali pa ako eh, nakakahiya naman. Id like to think na magkaibigan kami.
"Hindi ko alam kung bakit marami ang gusto na akong magkaroon ng boyfriend. Hindi ako naghahanap dahil alam ko, darating din siya. Kung hindi ngayon, baka bukas. Im, not in a hurry," dagdag pa niya.
Magkasama rin sila ni Rafael patungong Glendale, USA. Maglo-launch siya dun ng mga Jolina products, accessories and dolls. "Magkakaroon din kami ng show. Hindi naman ako ang magdadala sa kanya dun. Ang producer ng show dun ang kumuha sa kanya. Okay lang sa akin dahil mapu-promote pa namin ang aming movie," kwento niya.
Jolina also sings the theme song of the movie, ang "Kung Ikay Isang Panaginip", isang hit ng Hotdog in the 70s na kinanta ng kanilang female soloist, si Ella del Rosario.
Napaka-madamdamin ng version ni Jolina na aniya ay sinadya niya sapagkat mahilig siya sa love songs at para mas mapaganda at makatulong sa promo ng kanyang movie which is directed by Wenn Deramas.
Sinabi ng publicist ng Star Cinema na si Ms. Ethel Ramos na ang kanilang pelikulang Bagong Buwan, topbilled by Cesar Montano, Amy Austria and Caridad Sanchez ang tunay na top grosser sa Metro Manila Film Festival at hindi ang Bahay Ni Lola ng Regal.
P38 M ang kinita ng kanilang movie kumpara sa P36 M ng Bahay. Magkano naman kaya ang kinita ng Yamashita?
Maganda yung pagkaka-direct ni Roland Ledesma ng Bro starring Eddie Garcia and Ronald Gan para sa MMG Films International. Kaya naman pala wala akong marinig na reklamo kay Eddie against his director considering na bagaman at mas senior ito sa kanya ay mas recognized siya rito bilang isang director.
The film premiered last Thursday evening sa Cinema 10 ng SM Megamall sa isang SRO audience.
Akala ko si Alma Concepcion ang love interest ni Ronald Gan, yun pala ay ang baguhang si Everly Locsin na masasabi kong napakaswerte to have been assigned the female lead part.
Sa rami ng ginagawang movies ng MMG, maraming mga na-displaced na actors, dahilan sa slump sa industry at sa economic crisis, ang nabibigyan muli ng hanap-buhay.
Dapat ipagpasalamat ang pagsulpot ng mga bagong independent outfit para mapunan ang kakapusan ng trabaho para sa movie workers. Kahit maliit lamang silang mga kumpanya ay malaking tulong sila para di tuluyang mamatay ang industriya ng pelikula.
Sana rin ay hindi totoong titigil na ng pagpo-prodyus si Mother Lily Monteverde. Marami siyang magagandang movies at nagbibigay siya ng chance para sa mga baguhang direktor, at maging mga aktor.
"Alam nyo, napaka-hyper ni Rafael. Wala siyang ginawa kundi ngumiti nang ngumiti, napaka-playful niya, parang bata," panimula ni Jolina sa presscon ng kanyang pelikula ng Kung Ikay Isang Panaginip ng Star Cinema na mapapanood na rin finally sa January 30. Katambal niya rito sina Leandro Muñoz at Rafael Rosell IV with John Lapus, Kaye Abad, Buboy Garovillo, Denise Joaquin at Rio Locsin. Last movie rin ito ng namayapang si Nida Blanca.
Is Rafael courting her?
"Hindi! Nagdi-date kami, yung group date pero di dahil mag-on kami kundi dahil magkaibigan kami. At home siya sa akin at ganun din ako sa kanya.
"Siguro, kaya sinasabi nilang nanliligaw siya sa akin is because I attended his birthday party. Bakit naman hindi eh, sabi ko nga, magkaibigan kami. At madalas siyang dumaan ng taping (Arriba! Arriba!) para lang mag-hi.
"Kung paraan ng panliligaw yun, ayaw kong isipin. Baka magkamali pa ako eh, nakakahiya naman. Id like to think na magkaibigan kami.
"Hindi ko alam kung bakit marami ang gusto na akong magkaroon ng boyfriend. Hindi ako naghahanap dahil alam ko, darating din siya. Kung hindi ngayon, baka bukas. Im, not in a hurry," dagdag pa niya.
Magkasama rin sila ni Rafael patungong Glendale, USA. Maglo-launch siya dun ng mga Jolina products, accessories and dolls. "Magkakaroon din kami ng show. Hindi naman ako ang magdadala sa kanya dun. Ang producer ng show dun ang kumuha sa kanya. Okay lang sa akin dahil mapu-promote pa namin ang aming movie," kwento niya.
Jolina also sings the theme song of the movie, ang "Kung Ikay Isang Panaginip", isang hit ng Hotdog in the 70s na kinanta ng kanilang female soloist, si Ella del Rosario.
Napaka-madamdamin ng version ni Jolina na aniya ay sinadya niya sapagkat mahilig siya sa love songs at para mas mapaganda at makatulong sa promo ng kanyang movie which is directed by Wenn Deramas.
P38 M ang kinita ng kanilang movie kumpara sa P36 M ng Bahay. Magkano naman kaya ang kinita ng Yamashita?
The film premiered last Thursday evening sa Cinema 10 ng SM Megamall sa isang SRO audience.
Akala ko si Alma Concepcion ang love interest ni Ronald Gan, yun pala ay ang baguhang si Everly Locsin na masasabi kong napakaswerte to have been assigned the female lead part.
Sa rami ng ginagawang movies ng MMG, maraming mga na-displaced na actors, dahilan sa slump sa industry at sa economic crisis, ang nabibigyan muli ng hanap-buhay.
Dapat ipagpasalamat ang pagsulpot ng mga bagong independent outfit para mapunan ang kakapusan ng trabaho para sa movie workers. Kahit maliit lamang silang mga kumpanya ay malaking tulong sila para di tuluyang mamatay ang industriya ng pelikula.
Sana rin ay hindi totoong titigil na ng pagpo-prodyus si Mother Lily Monteverde. Marami siyang magagandang movies at nagbibigay siya ng chance para sa mga baguhang direktor, at maging mga aktor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended