"Saka ini-emphasize ko lang na walang tinatakbuhang responsibilidad ang anak ko. Actually, nagpunta pa si Vic kung saan nangyari ang aksidente," she added.
May mga lumabas kasi na hindi tinutulungan ni Oyo ang nakabangga nila although ayon sa investigation, wala namang kasalanan ang anak nila ni Vic sa nangyari. "Tinutulungan naman sila kasi, pasasalamat na rin na walang nangyari kay Oyo Boy," she said.
Nakapangalan kay Kristine Florendo ang nabanggang car ni Oyo Boy. "Si Vic na lang ang tanungin nyo. I really dont know dahil wala nga ako rito. Last Christmas nasa akin ang mga bata, every New Year talagang na kay Vic dahil alam naman niyang may asthma ako kaya out of town ako," paliwanag niya.
Anyway, ayaw na rin sanang magsalita ni Dina tungkol sa katatapos na Metro Manila Film Festival, pero napilit siya. Zero as in empty handed kasi silang umuwi sa MMFF "Gabi ng Parangal." "Kahit man lang sana best make up nanalo kami. Pinaghirapan din naman namin yung pelikula," natatawang comment ni Dina.
Sa kanyang sariling opinyon, dapat din sanang nanalo as best actress si Amy Austria sa Bagong Buwan or si Caridad Sanchez as best supporting actress. "Siguro pinili ng mga judges yung pinakamagaling para sa kanila."
At any rate, sabay magpi-premiere sa US and Metro Manila ang American Adobo, isang pelikulang inaasahang mago-open ng door sa Filipino films sa abroad, directed by Laurice Guillen and written and produced by distribution executive Vincent Nebrida and ABS-CBN and released by Outrider Pictures.
Ang US ang nananatiling worlds biggest market at pinaka-mahirap maka-penetrate lalo na nga at napakaraming American movies ang nag-aagawan para sa theatrical distribution. Only few make it theatrically. Kaya isang malaking balita at isang importanteng pangyayari sa local movie industry na ang isang Filipino film like American Adobo ay ipalalabas sa US.
May premiere night ang pelikula sa Rockwell Center on Monday.
Intended sa Metro Manila Film Festival ang pelikula pero sad to say hindi ito nakasama. Actually, point lang daw ang lamang ng pelikulang na 7th slot ang pelikula ng Manhattan Asia. Anyway, okey lang sa lady producer, Valerie Von Such. Naniniwala siya na blessings in disguise ang hindi pagkakasama ng kanilang pelikula sa film festival na ngayon ay controversial. Actually, showing na ang pelikula since Thursday.
Kino-consider ng produ na special treat ang Mga Batang Lansangan...Ngayon sa mga batang patuloy na namumuhay sa lansangan dahil sa kahirapan.
Guest speaker sa nasabing big event si DSWD Secretary Dinky Soliman, QC Mayor Sonny Belmonte, Caloocan Mayor Rey Malonzo, PCSO Chairman Ma. Livia Honey S. de Leon at Ms. Jolina Magdangal.
Ayon sa isang tindera, pinaka-mabenta sa kanila ang pirated copy ng Yamashita kahit sinasabi pa nilang hindi pa gaanong malinaw ang kopya.
Ang bilis nang ginawang pamimirata sa mga nasabing pelikula na nagsimula lang ipalabas sa mga sinehan last Christmas. Ayon sa ilang observer, siguradong may mga insider na kasabwat ang mga namimirata.