Walang inuurungan si Korina!
January 5, 2002 | 12:00am
Pahapyaw naming nakausap ang kontrobersyal na newscaster na si Korina Sanchez nung Bagong Taon.
Nililiglig ng problema ngayon si Ate Koring, dahil sa kasong isinampa laban sa kanya ni Bernardita Inocencio, ang dati niyang katulong.
Bukod sa kasong isinampa nito sa korte ay sinulatan din ni Inocencio sa pamamagitan ng kanyang abogado ang Kapisanan ng mga Broadkasters sa Pilipinas (KBP) at ang ABS-CBN para petisyunin ang pagkatanggal ng newscaster sa naturang istasyon.
Ayon kay Inocencio ay hindi na raw nararapat na ipagpatuloy pa ni Korina ang kanyang propesyon dahil hindi raw siya magandang ehemplo sa taumbayan.
Kasong pisikal na pananakit ang isinampang asunto ng nasabing babae kay Ate Koring, pero bukod doon ay ibinunyag din nito na si Korina raw ay nakikisama sa dalawang lalaki.
Yun ang pinaka-nakakahiyang anggulo ng usaping ito, hindi lang sumentro ang isyu sa sinasabing pananakit ng broadcaster sa kanyang katulong, lumiku-liko na ito sa kung saan-saan hanggang sa naging personal na nga.
Yan ang mahirap kapag kilalang personalidad ang sangkot sa isang kontrobersiya, kahit hindi naman kalakihan ang balita ay sadyang lumolobo dahil malaking tao nga ang pinag-uusapan.
Kahit apo pa sa tuhod o driver lang ni Ate Koring ang sangkot ay ang kanyang pangalan pa rin naman ang makakaladkad, kaya yung siya pa kaya mismo ang sangkot sa kuwento ang hindi paglalaruan ng media?
Ilang araw ding naka-headline si Ate Koring, pumutok ang balita, mukha niya ang nakabalandra sa lahat halos ng mga diyaryo at natural, interesado ang mambabasa sa isyu.
Kahit naman kasi bilang broadcaster ay kainte-interes ang kanyang personalidad dahil siya ang nangungunang babaeng newscaster ngayon na buong-buo pa ang pangalan at walang kahit sinong inuurungan sa katapangan, kaya natural lang na tutukan ng taumbayan ang nasabing istorya, may katotohanan man o wala.
"Puro kasinungalingan lang naman ang sinasabi niya," simulang sabi sa amin ni Korina Sanchez nang panandalian naming makausap sa telepono.
Ayon pa kay Ate Koring, kung sana man lang daw ay parehas ang laban, kaso nga ay puro imbento lang naman ang sinasabi ng dati niyang kasama sa bahay.
Ilang araw nang hindi sumasalang sa TV Patrol ang magaling na newscaster, siguro nga ay tinututukan muna niya ang pagsagot sa mga akusasyon ng kanyang dating katulong.
Nakalulungkot lang isipin na kapag malaki ang pangalan ng isang personalidad ay nagiging sawa ang bulate, masyadong napupuruhan ang may sikat na pangalan, palibhasay puhunan agad yun sa pag-uulo ng balita.
Pero kung kilala nga namin si Korina ay hindi niya basta-basta uupuan lang ang kontrobersiyang ito, wala siyang inuurungang anumang klase ng laban, kaya tiyak na ilalaban niya nang pukpukan ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanya ni Inocencio.
Maliit nga lang si Korina, pero siksik naman sa laman ang kanyang utak, at kung natutulungan niya ang marami nating kababayang namomobroblema sa batas ay ang sarili pa kaya niyang kaso ang pabayaan ng broadcaster?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am