Pero, kwento ng aking source na bastos pala ang bunganga ng aktres na ito dahil nakakapagbitiw ito ng salita sa ilang malalapit na kaibigan. "Wala na nga akong puwit dahil sa sobrang pakikipag-sex." Minsan ay nakaringgan siya ng aking source.
Kung tutuusin noon pa napapabalita na nakipag-live-in ito sa ilang taga-showbiz at non-showbiz men dahil sa pagiging liberated nito.
In pa rin ang beauty nina Rica Peralejo at Assunta de Rossi at out na sina Rosanna Roces, Joyce Jimenez at Ara Mina. Papalitan na sila ng mga bagong sibol na seksing kagandahan.
In pa rin sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual kahit mabuwag pa ang kanilang tambalan. Hindi makakaapekto sa aktor ang pagbitiw niya sa manager kahit naiintriga ito lately.
Out na si Angelu de Leon sa pagiging bida at suporta na lang ito. In si Angelika dela Cruz lalo pa at ibi-build up siya ng husto ng Viva Films at pambato ng Syete.
Out na si Sunshine Dizon at in naman si LJ Moreno dahil versatile itong aktres kung saan pwedeng maging kontrabida at pwede ring bida.
In pa rin si Jolina Magdangal at raratsada pang lalo ang singing career nito gayundin si Pops Fernandez.
Raratsada pa rin nang husto si Regine Velasquez sa pelikula at pagiging diva.
In pa rin si Vilma Santos dahil baka humakot ng award ang Dekada 70 na magri-resume na ang syuting.
Out na si Maricel Soriano lalo pa at hindi yata maganda ang rating ng kanyang TV show-Mary the Potter. Wala pa rin siyang follow-up movie.
Sa mga kabataang artista ay in sina Carlo Aquino, John Pratts at Stefano Mori. In din si Dingdong Dantes bilang artista at TV host.
Sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales ay in pa rin at mabenta pa rin ang kanilang soap opera.
In sa taong papasok si Dina Bonnevie sa pelikula at telebisyon. Magaling kasi siyang artista at hanggang ngayon ay maganda pa rin at sexy.
Sa mga action stars ay in pa rin si Cesar Montano pero out na si Phillip Salvador. Taon din ni Ronald Gan ang Year of the Horse.
Sa movie company ay in pa rin ang Regal, Viva, Star Cinema, Solar Films at karagdagan ang MMG Films.
Sa taong papasok ay balak ng magandang aktres na magtayo din ng negosyo na nauukol sa pagkain o kayay kumuha ng franchise ng Clothes 9. Na-shelved na ang pelikula niyang Bay Angels kaya umaasa na sanay makagawa pa ng movies. Ipalalabas naman ang Japino ng MMG Films kaya magiging abala si Beth sa promosyon nito by January.
Kahit walang pelikula ay abala naman siya sa paglabas sa telebisyon kung saan mainstay ng Tabing-Ilog at Tropang Pinoy.
Sa movie industry naman sanay sumipa sa takilya bilang Year of the Horse ang mga pelikula natin at magbalik-siglang muli ang ating industriya. Iwasan na sana ang inggitan sa ating kapwa lalo na sa showbiz at ipagpasalamat ang anumang biyayang natatanggap natin. Dapat ay kuntento na tayo sa kung anumang ibibigay sa atin nang Nasa Itaas at huwag ikumpara ang ating sarili sa iba lalo na pagdating sa lifestyle. Doon kasi masisira ang ating ugali. Kung nagtatagumpay ang mga kasamahan natin sa hanapbuhay ay ikatuwa natin at ibayong sikap naman ang gawin natin para maging matagumpay tayo sa buhay.