Most Important Star of 2001
January 2, 2002 | 12:00am
Isang taon na naman ang lumipas. Ikalawang araw ngayon ng taong 2002. Para sa karamihan, hindi naging maganda ang nagdaang taon. Sala-salabat ang problema, intriga, aksidente at kontrobersiya. Pero sa kabila ng lahat ng yun, mayroon pa rin tayong dapat ipagpasalamat. At ito ay ang nagdaang taon. Nangangahulugan na may buhay pa. May pag-asa pa. Pagpapatunay na mayroon pa ring Panginoon na sumusubaybay sa atin.
Kaya sandamukal man ang problema mo, ngitian mo ang unang linggo ng Bagong Taong ito! Happy New Year!
Para sa amin, si Kristine Hermosa ang pinakaimportanteng artista ng year 2001. Bumulusok ang popularidad ni Kristine sa unang quarter pa lang ng taon dahil ini-launch ang Pangako Sa Yo na eventually ay naging pinakasikat na programa sa Philippine television.
Hanggang sa nagsunud-sunod na ang projects ni Kristine. Kumita ang mga pelikulang ginawa niya. Pinagkakaguluhan siya ng mga producers. At ang pinakahuling movie niya, ang Trip ng Star Cinema Productions ay isa sa certified blockbusters ng nagdaang taon.
Lalong kuminang ang bituin ni Kristine nang magkaroon siya ng marangyang debut party noong September. Isa ito sa pinakamalaking events sa local showbiz ng nagdaang taon dahil dinaluhan ito ng lahat ng pinakasikat na artista.
Hindi rin nakaligtas si Kristine sa intriga. Bawat kilos niya ay napapansin. Bawat galaw niya ay nasusulat. Isa itong pagpapatunay na bound for the big time talaga si Kristine Hermosa. Giving Judy Ann Santos and Claudine Barretto a run for their money.
Speaking of Claudine Barretto, tiyak na matutuwa ang mga fans ng aktres dahil may movie itong ipapalabas ngayong February. Natapos na rin finally ang Gotta Believe In Magic kung saan makikita silang muli ni Rico Yan sa big screen. Ito ang Valentine offering ng Star Cinema.
Nasaksihan namin ang pictorial ng nasabing movie na ginanap sa Ninoy Aquino Parks & Wild Life kamakailan. Bukod kina Claudine at Rico join din sa cast sina Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Carlo Muñoz, Wilma Doesnt, Laura James at Angel Jacob. Kakaiba ang pelikulang ito sa mga nagawa ni Olivia Lamasan na kilala sa paggawa ng heavy drama.
"For a change, light drama ito, comedy, love story. Hindi all-out drama," sabi sa amin ni Ms. Marizel Samson, line producer ng movie for Star Cinema. "Ibang-iba sina Claudine at Rico dito. Matutuwa ang mga fans ng dalawa sa movie."
During our chat with Claudine, inamin niya na na-miss din niya ang paggawa ng pelikula. Last year, she only did one movie, yung Anak which turned out to be the highest grossing local movie of all time.
"Okey na ako sa one or two movie a year. Kaya nga I make sure na quality yung project. Im so proud of this movie with Rico. Iba talaga," sabi ng aktres.
For your comments and feedback, you can e-mail me at [email protected].
Kaya sandamukal man ang problema mo, ngitian mo ang unang linggo ng Bagong Taong ito! Happy New Year!
Hanggang sa nagsunud-sunod na ang projects ni Kristine. Kumita ang mga pelikulang ginawa niya. Pinagkakaguluhan siya ng mga producers. At ang pinakahuling movie niya, ang Trip ng Star Cinema Productions ay isa sa certified blockbusters ng nagdaang taon.
Lalong kuminang ang bituin ni Kristine nang magkaroon siya ng marangyang debut party noong September. Isa ito sa pinakamalaking events sa local showbiz ng nagdaang taon dahil dinaluhan ito ng lahat ng pinakasikat na artista.
Hindi rin nakaligtas si Kristine sa intriga. Bawat kilos niya ay napapansin. Bawat galaw niya ay nasusulat. Isa itong pagpapatunay na bound for the big time talaga si Kristine Hermosa. Giving Judy Ann Santos and Claudine Barretto a run for their money.
Nasaksihan namin ang pictorial ng nasabing movie na ginanap sa Ninoy Aquino Parks & Wild Life kamakailan. Bukod kina Claudine at Rico join din sa cast sina Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Carlo Muñoz, Wilma Doesnt, Laura James at Angel Jacob. Kakaiba ang pelikulang ito sa mga nagawa ni Olivia Lamasan na kilala sa paggawa ng heavy drama.
"For a change, light drama ito, comedy, love story. Hindi all-out drama," sabi sa amin ni Ms. Marizel Samson, line producer ng movie for Star Cinema. "Ibang-iba sina Claudine at Rico dito. Matutuwa ang mga fans ng dalawa sa movie."
During our chat with Claudine, inamin niya na na-miss din niya ang paggawa ng pelikula. Last year, she only did one movie, yung Anak which turned out to be the highest grossing local movie of all time.
"Okey na ako sa one or two movie a year. Kaya nga I make sure na quality yung project. Im so proud of this movie with Rico. Iba talaga," sabi ng aktres.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 7, 2025 - 12:00am