Kung sabagay, hindi na bago ang balitang ito. Sa mga interviews din ni Mikey para sa promosyon ng kanyang pelikula na nakasama sa Metro Manila Filmfest, ang Di Kita Ma-Reach, inamin na rin niya na magpapakasal na sila ng kanyang girlfriend bagaman at hindi niya tiniyak kung sa taon ngang ito.
Marami ang nagwo-worry para kay Mikey sapagkat bukod sa second cousin niya ang kanyang mapapangasawa na marami sa atin ang nagsasabi na hindi pwedeng maging mag-asawa pero, binigyan na ng basbas ng Simbahan at sinasabi ring legal ng mga may alam sa batas.
Ang pangyayaring magpapakasal sila sa taong ito ay taliwas din sa kinagisnan na nating tradisyon na hindi nagsusukob sa taon ang magkapatid. Ang kapatid na lalaki ng kanyang girlfriend ay nakatakda nang ikasal kay Ana Roces very soon. Nakapagtataka ba kung marami ang magulat sa sinabi ng Pangulo na ikakasal din sa taong ito ang kanyang anak?
Pero, marahil nga ay masyado nang makaluma ang maraming Pilipino sa pag-asam na maghihintay pa ng isang taon sina Mikey at Angela gayong nagsisimula na sila ng paghahanda para sa isang malaking kasalan sa taong ito.
"For delicadeza, talagang hindi namin tinapos ang pelikula at isinali in last years filmfest dahil kasali ako sa executive committee ng festival," ani Jinggoy sa presscon ng movie na dun mismo sa Veterans Memorial Hospital ginanap recently. Hindi lamang present ang mga major stars ng movie, present din ang mga loyal friends ni Jinggoy at ng kanyang pamilya sa pamumuno ng kanyang ama na dating Pangulong Joseph Estrada.
"Nagpaalam ako sa mga kinauukulan para makapasok ang media dito sa ospital. Nagkaroon lamang kami ng gentlemens agreement na ang pag-uusapan lamang ay tungkol sa pelikula," dagdag pa ni Jinggoy.
Present sa presscon si Judy Ann Santos, na binibiro ng marami sapagkat hindi ito nag-promote ng pelikula niya with Mikey Arroyo pero sa movie nila ni Jinggoy ay all-out ang support niya.
"Hindi naman ako ang nagdi-decide nito kundi ang manager ko," paliwanag niya.
Also starred in the film is Bayani Agbayani sa direksyon ng magaling at batikang si Toto Natividad.