^

PSN Showbiz

Allona, isa nang producer

-
Ang Archer Productions & Entertainment Network na pag-aari ni Allona ang producer ng morality play entitled Tao.

Universal ang tema ng dulang ito – ang Tao daw ay hindi dapat makalimot na siya ay mamamatay. Na, ang maidudulot ng kalakasan, kagandahan at pakiramdam ay kusa na lang maglalaho.

Ang Tao ay hindi pagsalin ng dulang Everyman sa Pilipinas bagkus pagbibigay puna ito sa itinuturo ng Everyman sa ating kapaligiran at lipunan. Masalimuot ang tinatalakay ng naturang dula. Pag-uugnay din ito ng tradisyunal, political at napapanahong pananaw sa ating kaugalian.

Isinalin sa Pilipino (Contemporary playform) ni dating DECS undersecretary, Dr. Isagani Cruz, ang dulang Everyman ay isinulat ni Raymond Williams.

Nakatakdang itanghal sa entablado ng Jose Magno Gym, Pozorrubio, Pangasinan – ang dulang Tao sa darating na January 24, 2002 (Technical Dress rehearsal, with grades 4, 5 & 6 as audiences); January 25 (Gala Night, with DECS Sec. Raul Rocco as Special Guest of Honor); January 26 & 27, with 1 and 4 p.m. shows.

Sina Giovanni Baldiserri at Allan Fidelino ang maga-alternate para sa role ng Tao; Ma. Theresa de Dios (local talent from Benigno V. Aldana National High School at isa sa mga napagtapos ni AA sa kanyang programang Free Drama Workshop as Pag-ibig; Marieta Gelsano (another local talent) at Allona Amor, magsasalita para sa papel na Kayamanan mula sa direksyon ni Fermin U. Idea.

ALLAN FIDELINO

ALLONA AMOR

ARCHER PRODUCTIONS

BENIGNO V

DRAMA WORKSHOP

ENTERTAINMENT NETWORK

FERMIN U

GALA NIGHT

GIOVANNI BALDISERRI

ISAGANI CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with