Pagtulog lang ang problema ni Cogie
December 31, 2001 | 12:00am
Akala namiy lumitaw na kometa sa katanghaliang-tapat sa kahabaan ng EDSA sa papuntang Cubao nung minsang mapadaan kami dun dahil sa sabay-sabay, na pagtingala ng mga kababaihang nadaanan namin.
Nakatingala talaga sila, may kung anong itinuturo, at kapag ganun ay mapapagaya ka na rin sa kanila sa pagtingala.
Walang kometa, wala ring nagbabagsakang bulalakaw mula sa kalangitan, isang malaking billboard pala ng guwapong young actor na si Cogie Domingo ang kanilang sinisipat.
Ang guwapo-guwapo nga naman kasi ni Cogie sa pagkakatayo habang naka-jacket na itim ng Penshoppe, buhay na buhay ang kanyang itsura, lutang na lutang ang kanyang kakisigan.
Kapag papunta kami sa Makati mula sa Cubao ay ritwal na para sa amin ang lumingon sa kanan kapag napapadaan kami sa tulay ng Guadalupe.
Mas malaki kasi ang billboard ni Cogie na nandun, para siyang buhay na buhay sa napakalaking billboard na yun na pati ang maganda niyang pares ng ngipin ay kitang-kita sa kanyang pagkakangiti.
Alagang-alaga nga ng Penshoppe ang guwapong binata dahil palaging bago ang mga billboard niyang makikita sa mga abalang lansangan.
Malakas kasi ang panghatak ng guwapong aktor sa mga fans na babae at hindi rin nagpapahuli ang mga kabataang lalaki sa paggaya naman sa kanyang porma.
Madalas naming makasama ang mag-inang Mommy Zennie at Cogie sa mga lakaran. Kung minsan nga ay lumilipas ang oras sa pagkukuwentuhan lang, dahil napakagandang sulatin ang buhay ng sikat nang batang aktor ngayon.
Si Cogie, kapag nakakagawa ng mga bagay-bagay na nagpapainit ng ulo ng kanyang ina bilang bahagi ng kanyang kabataan, ay mabilis humingi ng dispensa.
Kapag umalis na siya ng bahay ay asahan mong may mga ginawa na siyang sulat para kay Mommy Zennie, nanghihingi na siya ng sorry sa kanyang maling ginawa, at may kasunod pang mensahe yun sa text.
Hindi pa man nakalalayo ang binata sa kanilang bahay ay naka-text na agad siya kay Mommy Zennie, nangangakong hindi na mauulit ang kanyang ginawa, dahil nalulungkot ang mommy niya.
"Hes so easy to love, he knows how to say sorry when hes at fault, saka pagalitan mo man siya, he doesnt answer back," pahayag sa amin ng ina ni Cogie.
Pagtulog lang ang tanging problema ng ina ng binata tungkol sa kanyang anak, palibhasay disi-sais anyos pa nga lang si Cogs, masyado siyang matakaw pa sa tulog.
Yun lang ang pinag-aawayan nilang madalas, napakahirap daw gisingin ng kanyang bunso, kaya madalas na sumasabit ang kanyang schedule sa shooting at taping.
"Pero ang sarap-sarap niyang maging anak, napaka-thoughtful at maalaga sa kanyang mga kapatid.
"Kapag kumikita siya, kung ano ang pinamili niya, meron din ang kambal niyang kapatid at pati ang mga friends niya," kuwento uli ni Mommy Zennie.
Masuwerte ngang maituturing si Cogie dahil hindi lang siya guwapo, magaling pa siyang umarte, mga katangiang bihirang matagpuan sa isang personalidad lang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended