Minsan ay nag-shopping ang celebrity kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend. Napasok sila sa isang gallery. Di sinasadya ay nahulog ang isang kuwadro at tumama sa paa ng aktres. Sa galit nito ay tinapakan ang kuwadro hanggang sa magkabasag-basag ang salamin. Pinuntahan siya ng saleslady at humingi sa kanya ng paumanhin pero galit na galit ang celebrity.
Ibang klase pala itong magalit ayon sa source dahil hindi niya tinigilan ang pagyapak sa frame. Hindi naman siya inaawat ng nobyo at pinagmamasdan lang ang kanyang ginawa samantalang takot naman ang saleslady habang nagagalit ang magandang celebrity na ngayon nga ay nahalal na councilor.
Samantala, nasa cloud nine pa rin ang seksing aktres matapos manalo bilang best actress sa katatapos na MMFF awards night. Natural naman ang akting niya sa Hubog ayon sa mga kritiko. Kahit si Direk Joel Lamangan ay naniniwalang magiging matagumpay na artista si Assunta dahil may lalim ang akting niya.
Tinanong ko si Gladys kung ano ang regalo nila ng nobyo (Christopher Roxas) sa isat-isa? "Niregaluhan ako ni Chris ng polaroid camera para raw makita ko agad kung ano ang ayos ko sakaling may awards nights. Ayaw naman niya na may kapalit itong regalo na parang nagi-exchange gift kami, so sabi niya sapat na ang pagmamahal ko sa kanya bilang regalo. O, di ba, sweet! Tutal naman daw ay nine years na ang aming relasyon at mahalagang regalo na ito para sa kanya," sey ng aktres.
Taun-taon ay parang panata na ng mabait na character actress na pumunta sa Philippine Band of Mercy at dinadalaw ang mga hairlip children kasama ang bestfriend na si Carmi Martin. Nagbibigay sigla sila sa mga bata sa pamamagitan ng pag-awit.
Sa kabilang banda, gumaganda ang career ni Jo at paborito yatang leading lady ng mga action star. After Mananabas with Cesar Montano ay si Jacky naman ang kanyang kapareha at ang susunod na magiging leading man niya ay si Ronald Gan under MMG Films.
Hindi matatawaran ang galing niya sa pagiging TV host ng Private Conversation with Boy Abunda at inaming nagri-research siya kapag may iniinterbyu ng mga sikat na celebrity. Pangarap niyang ma-interbyu sina Fernando Poe, Jr., Justice Davide o Cardinal Sin.
Maganda ang panuntunan sa buhay ni Boy dapat magsikap sa buhay dahil hindi habang panahon ay nasa itaas ka. Kahit naging matagumpay sa buhay ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang pag-uugali.