Public official, masama ang ugali!
December 31, 2001 | 12:00am
Hindi sukat akalain ng aking source na hindi maganda ang ugali ng celebrity na ito na mahinhin at sweet ang mukha. Dati siyang artista pero ngayon ay may katungkulan sa isang munisipyo. Lumalabas pa rin ito sa telebisyon.
Minsan ay nag-shopping ang celebrity kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend. Napasok sila sa isang gallery. Di sinasadya ay nahulog ang isang kuwadro at tumama sa paa ng aktres. Sa galit nito ay tinapakan ang kuwadro hanggang sa magkabasag-basag ang salamin. Pinuntahan siya ng saleslady at humingi sa kanya ng paumanhin pero galit na galit ang celebrity.
Ibang klase pala itong magalit ayon sa source dahil hindi niya tinigilan ang pagyapak sa frame. Hindi naman siya inaawat ng nobyo at pinagmamasdan lang ang kanyang ginawa samantalang takot naman ang saleslady habang nagagalit ang magandang celebrity na ngayon nga ay nahalal na councilor.
After Hubog ay gagawin ni Assunta de Rossi ang pelikulang pagsasamahan nila ni Diether Ocampo. May nagsasabi sa aktres na hindi gaanong kumita ang mga nakaraang pelikula ni Diether gaya ng La Vida Rosa katambal si Rosanna Roces at Ano Bang Meron Ka? with Joyce Jimenez. Hindi ba natatakot si Assunta na baka maapektuhan ang box-office record ng pelikula sakaling makapareha si Diet? "Okey namang kapareha si Diet. Hindi ako naniniwala na jinx siya kaya hindi kumita ang kanyang mga pelikula. Magaling na artista si Diet at natutuwa akong makapareha siya," aniya.
Samantala, nasa cloud nine pa rin ang seksing aktres matapos manalo bilang best actress sa katatapos na MMFF awards night. Natural naman ang akting niya sa Hubog ayon sa mga kritiko. Kahit si Direk Joel Lamangan ay naniniwalang magiging matagumpay na artista si Assunta dahil may lalim ang akting niya.
Kasalukuyang nagsusyuting sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes under Starlight Films na pag-aari ni William Pascual para sa isang proyekto na wala pang title. Tipong Mara Clara raw ang dating ng pelikula pero makakasama nila sina Matet at Luis Alandy ayon sa aking source.
Tinanong ko si Gladys kung ano ang regalo nila ng nobyo (Christopher Roxas) sa isat-isa? "Niregaluhan ako ni Chris ng polaroid camera para raw makita ko agad kung ano ang ayos ko sakaling may awards nights. Ayaw naman niya na may kapalit itong regalo na parang nagi-exchange gift kami, so sabi niya sapat na ang pagmamahal ko sa kanya bilang regalo. O, di ba, sweet! Tutal naman daw ay nine years na ang aming relasyon at mahalagang regalo na ito para sa kanya," sey ng aktres.
Taun-taon ay parang panata na ng mabait na character actress na pumunta sa Philippine Band of Mercy at dinadalaw ang mga hairlip children kasama ang bestfriend na si Carmi Martin. Nagbibigay sigla sila sa mga bata sa pamamagitan ng pag-awit.
Isa pang may panata ay si Jo Canonizado na leading lady ni Jacky Woo sa The Hustler. Kasama ang manager na si Daddy Wowie Roxas ay dinadalhan nila ng pagkain ang mga aeta sa Pampanga. "Iba ang feeling kapag nakakatulong ka sa mga kapuspalad. Ang gaan-gaan ng pakiramdam. Kahit maghapon mong gawin ito ay talagang mawawala ang iyong pagod," anang aktres.
Sa kabilang banda, gumaganda ang career ni Jo at paborito yatang leading lady ng mga action star. After Mananabas with Cesar Montano ay si Jacky naman ang kanyang kapareha at ang susunod na magiging leading man niya ay si Ronald Gan under MMG Films.
Isa ako sa naimbitahan ni Boy Abunda sa isang intimate lunch with other press people. Marami kaming napagkuwentuhan. Enjoy siya sa kanyang trabaho sa showbiz bagamat abala sa maraming gawain bilang manager ng maraming artista, may-ari ng talent agency at pagiging magaling na TV host. May 35 siyang tauhan na nagtutulung-tulong sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo bagamat ang final say ay nasa kanya pa rin.
Hindi matatawaran ang galing niya sa pagiging TV host ng Private Conversation with Boy Abunda at inaming nagri-research siya kapag may iniinterbyu ng mga sikat na celebrity. Pangarap niyang ma-interbyu sina Fernando Poe, Jr., Justice Davide o Cardinal Sin.
Maganda ang panuntunan sa buhay ni Boy dapat magsikap sa buhay dahil hindi habang panahon ay nasa itaas ka. Kahit naging matagumpay sa buhay ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang pag-uugali.
Minsan ay nag-shopping ang celebrity kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend. Napasok sila sa isang gallery. Di sinasadya ay nahulog ang isang kuwadro at tumama sa paa ng aktres. Sa galit nito ay tinapakan ang kuwadro hanggang sa magkabasag-basag ang salamin. Pinuntahan siya ng saleslady at humingi sa kanya ng paumanhin pero galit na galit ang celebrity.
Ibang klase pala itong magalit ayon sa source dahil hindi niya tinigilan ang pagyapak sa frame. Hindi naman siya inaawat ng nobyo at pinagmamasdan lang ang kanyang ginawa samantalang takot naman ang saleslady habang nagagalit ang magandang celebrity na ngayon nga ay nahalal na councilor.
Samantala, nasa cloud nine pa rin ang seksing aktres matapos manalo bilang best actress sa katatapos na MMFF awards night. Natural naman ang akting niya sa Hubog ayon sa mga kritiko. Kahit si Direk Joel Lamangan ay naniniwalang magiging matagumpay na artista si Assunta dahil may lalim ang akting niya.
Tinanong ko si Gladys kung ano ang regalo nila ng nobyo (Christopher Roxas) sa isat-isa? "Niregaluhan ako ni Chris ng polaroid camera para raw makita ko agad kung ano ang ayos ko sakaling may awards nights. Ayaw naman niya na may kapalit itong regalo na parang nagi-exchange gift kami, so sabi niya sapat na ang pagmamahal ko sa kanya bilang regalo. O, di ba, sweet! Tutal naman daw ay nine years na ang aming relasyon at mahalagang regalo na ito para sa kanya," sey ng aktres.
Taun-taon ay parang panata na ng mabait na character actress na pumunta sa Philippine Band of Mercy at dinadalaw ang mga hairlip children kasama ang bestfriend na si Carmi Martin. Nagbibigay sigla sila sa mga bata sa pamamagitan ng pag-awit.
Sa kabilang banda, gumaganda ang career ni Jo at paborito yatang leading lady ng mga action star. After Mananabas with Cesar Montano ay si Jacky naman ang kanyang kapareha at ang susunod na magiging leading man niya ay si Ronald Gan under MMG Films.
Hindi matatawaran ang galing niya sa pagiging TV host ng Private Conversation with Boy Abunda at inaming nagri-research siya kapag may iniinterbyu ng mga sikat na celebrity. Pangarap niyang ma-interbyu sina Fernando Poe, Jr., Justice Davide o Cardinal Sin.
Maganda ang panuntunan sa buhay ni Boy dapat magsikap sa buhay dahil hindi habang panahon ay nasa itaas ka. Kahit naging matagumpay sa buhay ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang pag-uugali.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended