'I love you Pops' - Martin

Equal billing sina Eddie Garcia at Ronald Gan sa pelikulang Bro. ng MMG Films. Actually, maraming nag-react nang makita sa poster ang billing nila. "Bakit ‘yung iba niyang nakasama hindi naman equal ang billing, bakit si Ronald? Magka-level na ba sila," react ng isa kong katabi sa presscon of the said movie last Tuesday over lunch in Anabels.

Isang MMG insider ang nag-explain: "Mismong si Eddie ang nagsabi na equal ang billing nila dahil nakita niya kay Ronald ‘yung talent and very professional siya. So walang question do’n," MMG insider explained.

Anyway, dream come true for Ronald ang makasama ang veteran actor sa pelikula. "Bata pa lang ako napapanood ko na siya. Talagang Eddie Garcia fan ako noon pa man, pero ngayon, eto kasama ko na siya. Ang sarap pala ng feeling pag ganoon," Ronald revealed.

Mag-ama ang role nila sa pelikula kaya maraming eksena na magkasama sila. "Kaya nga sa first shooting day namin, parang ilang na ilang ako, nakakahiya kasi ang tagal ko siyang iniidolo at pinapanood tapos ngayon magka-eksena na kami," he added.

In any case, kuwento ng mag-ama ang nasabing ng pelikula na tatalakay sa buhay ng mga military na isinugal ang kanilang buhay para sa bayan. "Sa kuwento, PMA graduate ako. Tapos mas mataas ang naging rank ko kaya sa kampo ako ang sinasaluduhan ng tatay (Eddie) ko. Pero pag-uwi sa bahay, ako naman ang sumasaludo sa kanya.

"This is not only an action film. On the side, it has drama and a bit of comedy. Pero ang talagang ipinapakita rito ay kahirapan sa paglilingkod sa bayan, mga training ng mga sundalo at pati mga operations nila na kahit umuulan o maaraw nasa gubat sila naghihintay," Ronald averred.

Coming from the success of Basagan ng Mukha, his last movie for 2001, his New Year’s resolution is to work harder and have more projects to work on.

Next movie ni Ronald ang Black Tiger with Eddie Garcia uli.
*****
May new album ang True Faith. Yes folks hindi nawawala sa eksena ang True Faith. They are still alive and kicking. Hindi nga lang sila masyadong visible ngayon dahil busy sila sa mga provincial shows.

Pero sa pagri-release ng kanilang new album, siguradong magiging active na naman ang grupo.

Actually, isa ang True Faith sa pinaka-magaling na banda sa bansa.

In any case, kasama ng mother studio nila, EMI Philippines ang Studio 23 at MYX pagri-release ng True Faith LIVE! Halo-Halo MYXed Emotions featuring True Faiths’s cover of the Color It Red hit "Paglisan" with CIR vocalist Cookie Chua. Ang nasabing album ay ini-launch last December 22 at Dish, Rockwell Center, Makati.

Ang MYXed Emotions was recorded at True Faith’s sa katatapos na double-episode appearance at Halo-Halo, MYX’s live music show ng grupo. Hosted by Radioactive Sago vocalist/journalist/poet Lourd de Veyra, Halo-Halo has earned rave reviews for featuring diverse forms of music performed by the best musician around.

And for the show’s first live album release, pinili ng producer ang True Faith. Ang rason: ang band’s brand of power pop that has captured the imagination both sa masses at music critics can relate to.

Nabuo ang grupo in 1992 at na-capture ang imagination ng mga listeners nationwide with hits such as "Ambon," "Muntik Nang Maabot ang Langit," "Hi!," "Alaala," "Sandalan," "Awit Para Sa Kanya," "Kung O.K. Lang Sa ‘Yo," "‘Wag Na Lang Kaya" at "Perfect."

The band is now approaching its tenth year in the business. Ang grupo ay binubuo nina Medwin Marfil (vocals), Jay Valencia (guitars), Eugene Marfil (guitars), Jake Lumacad (keyboards), Bimbo Yance (bass) and Jun Dizon (drums).

At any rate, True Faith LIVE! Halo-Halo MYXed Emotions is now available on CDs and cassettes under EMI Philippines. CD’s are especially priced at P300. For more information tungkol sa album at band’s gig sked please log on to www.truf8.com.
*****
May talent pala sa singing ang Japanese action star na si Jacky Woo. In fact, nasa market na ang first self-titled album niya na release ng Viva Records. Naririnig na rin sa AM and FM stations ang carrier single ng album na "Naroon Pa Rin."

Sentiments about life, fate, friendship ang content ng album niya na ni-record niya sa bansa.

Bago siya nag-recording, nauna nang gumawa ng two movies si Jacky Woo sa bansa. Bukod sa pag-arte sa mga nasabing pelikula, nag-direk din siya at ang importante, siya rin ang producer. Actually, ang opinion nga ng showbiz observers, jack-of-all showbiz trades si Jacky.

Sa kanyang bansang pinanggalingan, successful entrepreneur at may sariling recording, movie company at iba pang negosyo.

In any case, ang ilan sa kasamang song sa kanyang first album sa bansa na siya mismo ang nag-compose at ni-record in original Japanese into Tagalog. Ayon sa ilang nakarinig na sa kanta, makaka-relate ang mga Filipino music lovers.

Aside from Naroon Pa Rin, also included in the album are "Christmas Eve," "Sa Isang Kisap Mata," "Melody," "Sa Isang Basong Wine," "Natapos Na," "Kung Nalaman Mo Lang," "My Lady," "Hanggang sa Muli" at "Naroon Pa Rin (2)."
*****
Hindi nakapag-react si Pops Fernandez nang sabihin ni Martin Nievera na I Love You sa Manila Peninsula kahapon - sa presscon ng forthcoming concert ng concert queen na Weekends with Pops na magi-start sa Friday, January 4 sa Onstage Greenbelt. Dumating kasi si Martin dahil kailangan niyang samahan si Pops sa hospital kung saan nasa critical condition pa that time ang lola ni Pops.

Actually, everytime na walang schedule talaga raw pumupunta si Martin sa hospital para samahan si Pops.

Nang lumabas sila ng Peninsula, holding hands na ang dalawa. Pero prior to that, nagsabi na sila na walang malice ‘yung closeness nila. Ang rason: pareho silang happy sa lovelife nila.

At any rate, isa si RJ Rosales sa guest ni Pops sa kanyang one-month concert sa Onstage.

Show comments