Allona, mayabang na!
December 28, 2001 | 12:00am
Takot si Allona Amor na baka mamis-interpret ng marami ito, baka raw sabihin na malaki na ang kanyang ulo gayong wala pa naman siyang napapatunayan.
"Ang katwiran ko kasi, mahirap naman yung tanggap lamang ako nang tanggap ng offers, baka maagrabyado ako sa role o sa billing. Di bale na sa presyo, okay lang," panimula niya.
"Minsan kahit sabihin kong praktikal akong tao, may mga bagay akong isinaalang-alang. Number one sa akin yung script. Maganda ba ang magiging bahagi ko, ang exposure ko? Gusto ko kasing seryosohin na ako ng mga manonood, ng mga direktor at producer. Di na ako tumatanggap ng movie dahil lamang gusto kong magka-pelikula.
"Three years na akong artista. Kailangan ko na ng pelikula na mag-aangat ng estado ko at magbibigay sa akin ng karapatan na matawag na aktres, in the real sense of the word, bago man lang ako mawala sa eksena."
Kapansin-pansin na sa pelikulang Sapagkat Kamiy Tao Lamang ng ATB-4 Films Intl., nag-exert talaga siya ng effort para magawang makatotohanan ng kanyang portrayal ng isang AIDS victim. "Lalabas ka sa sinehan na may baong paghamon sa pagharap sa unti-unting nawawalang pag-asa sa buhay," pangako niya.
Ang Sapagkat Kamiy Tao Lamang ay intended sana para sa MMFF pero, hindi napili. Kasama pa rin sa movie sina Ian Valdez, Jeffrey Gonzales, Pam Lacson at Mon Confiado. Mula sa direksyon ni Angelito de Guzman.
Totoo nga pala naman na kailangan ng isang Pamaskong pelikula para sa mga bata. Bentahe ang mga ganitong pelikula dahil kahit para lamang sa bata, hindi sila makakapunta ng mga sinehan nang hindi kasama ang kanilang mga magulang, kapatid, kamag-anak o guardian. Dito pumapasok ang family movie. Ito rin ang dahilan kung bakit malakas sa takilya ang Bahay ni Lola ng Regal, dahil matapos maka-pamasko ng mga bata, dito nila niyaya na manood ang kanilang mga magulang.
Sayang nga lamang at hindi ito gaanong binigyan ng konsiderasyon ng mga producer sa taong ito, nang magsimula na silang gumawa ng kanilang festival entry. Na-sentro ang kanilang isip sa mga mature movies na hindi rin naman panghihinayangan sapagkat ginawa ng may mataas na kalidad. At pinapasok din naman ng tao sa mga sinehan. Ang punto ko lamang ay dapat mas maraming pelikulang pang-buong pamilya. Kung naging tatlo man lamang ang may ganitong genre, mas maraming napanood ang mga bata.
Nakatutuwa rin ang pangyayari na sa kabila ng kahirapan, marami ang nagbigay ng pamasko sa higit na nakakaraming namasko. Sa palagay ko nga napaka-generous ngayon ng mga tao. Siguro na-realize na nila na maikli lamang ang buhay at mas may mapapala kung magbibigay sa halip na manghingi. Parang bigla, naging Kristyano tayong lahat. Ang gandang isipin.
Di tulad ng isang kapitbahay ko na kinailangan pang itago ang kanilang apo nang dalawin ito ng kanyang ama sa unang pagkakataon. Tumawag pa sila ng barangay tanod para lamang masiguro na hindi magkikita ang mag-ama. Gawain ba yun ng isang Kristyano? Finally nang payagan nila na makita ng ama ang kanyang anak, napakarami naman nilang hinihinging kapalit dito. Nakalimutan nilang estudyante lamang ang ama at isang kaswal na trabahador sa isang fast food chain at nagtatrabaho lamang ng limang oras kada araw. Tsk. Tsk. Tsk.
Kaya nga hanga ako sa isang inaanak sa kasal dahil sa kabila ng napaka-hirap nila ay hindi nawawala ang Panginoon sa kanilang buhay. Never silang nag-away at ang konti nilang napamaskuhan ay ibinahagi pa nila sa mahirap din nilang mga kamag-anak. Maliliit pa ang dalawa nilang anak pero, ngayon pa lamang nakikita ko na ang Panginoon sa kanila. Hindi ako magtataka kung bukas makalawa ay palarin sila sa buhay. Ang mga katulad nila ay ginagantimpalaan ng Diyos.
"Ang katwiran ko kasi, mahirap naman yung tanggap lamang ako nang tanggap ng offers, baka maagrabyado ako sa role o sa billing. Di bale na sa presyo, okay lang," panimula niya.
"Minsan kahit sabihin kong praktikal akong tao, may mga bagay akong isinaalang-alang. Number one sa akin yung script. Maganda ba ang magiging bahagi ko, ang exposure ko? Gusto ko kasing seryosohin na ako ng mga manonood, ng mga direktor at producer. Di na ako tumatanggap ng movie dahil lamang gusto kong magka-pelikula.
"Three years na akong artista. Kailangan ko na ng pelikula na mag-aangat ng estado ko at magbibigay sa akin ng karapatan na matawag na aktres, in the real sense of the word, bago man lang ako mawala sa eksena."
Kapansin-pansin na sa pelikulang Sapagkat Kamiy Tao Lamang ng ATB-4 Films Intl., nag-exert talaga siya ng effort para magawang makatotohanan ng kanyang portrayal ng isang AIDS victim. "Lalabas ka sa sinehan na may baong paghamon sa pagharap sa unti-unting nawawalang pag-asa sa buhay," pangako niya.
Ang Sapagkat Kamiy Tao Lamang ay intended sana para sa MMFF pero, hindi napili. Kasama pa rin sa movie sina Ian Valdez, Jeffrey Gonzales, Pam Lacson at Mon Confiado. Mula sa direksyon ni Angelito de Guzman.
Sayang nga lamang at hindi ito gaanong binigyan ng konsiderasyon ng mga producer sa taong ito, nang magsimula na silang gumawa ng kanilang festival entry. Na-sentro ang kanilang isip sa mga mature movies na hindi rin naman panghihinayangan sapagkat ginawa ng may mataas na kalidad. At pinapasok din naman ng tao sa mga sinehan. Ang punto ko lamang ay dapat mas maraming pelikulang pang-buong pamilya. Kung naging tatlo man lamang ang may ganitong genre, mas maraming napanood ang mga bata.
Nakatutuwa rin ang pangyayari na sa kabila ng kahirapan, marami ang nagbigay ng pamasko sa higit na nakakaraming namasko. Sa palagay ko nga napaka-generous ngayon ng mga tao. Siguro na-realize na nila na maikli lamang ang buhay at mas may mapapala kung magbibigay sa halip na manghingi. Parang bigla, naging Kristyano tayong lahat. Ang gandang isipin.
Di tulad ng isang kapitbahay ko na kinailangan pang itago ang kanilang apo nang dalawin ito ng kanyang ama sa unang pagkakataon. Tumawag pa sila ng barangay tanod para lamang masiguro na hindi magkikita ang mag-ama. Gawain ba yun ng isang Kristyano? Finally nang payagan nila na makita ng ama ang kanyang anak, napakarami naman nilang hinihinging kapalit dito. Nakalimutan nilang estudyante lamang ang ama at isang kaswal na trabahador sa isang fast food chain at nagtatrabaho lamang ng limang oras kada araw. Tsk. Tsk. Tsk.
Kaya nga hanga ako sa isang inaanak sa kasal dahil sa kabila ng napaka-hirap nila ay hindi nawawala ang Panginoon sa kanilang buhay. Never silang nag-away at ang konti nilang napamaskuhan ay ibinahagi pa nila sa mahirap din nilang mga kamag-anak. Maliliit pa ang dalawa nilang anak pero, ngayon pa lamang nakikita ko na ang Panginoon sa kanila. Hindi ako magtataka kung bukas makalawa ay palarin sila sa buhay. Ang mga katulad nila ay ginagantimpalaan ng Diyos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended