Although magsisimula pa lamang bukas (December 25) ang labanan ng pitong official entries sa takilya, umaasa si Mikey na sanay tangkilikin ng mga manonood ang pitong pelikula na kalahok sa filmfest.
Still on Mikey, inamin nito sa media na wife material umano ang kapareha niya sa movie na si LJ Moreno. Ang problema nga lamang, meron na itong bagong boyfriend, ang black cager na si Shawn Jones at si Mikey naman ay meron nang Angela Montenegro.
"Pero kung nagkataon na wala pa si Angela sa buhay ko, posible kong ligawan si LJ dahil bukod sa maganda at sexy, napakabait pa niya," deklara ng actor-politician.
Sa ngayon, tama na umano yung magkaibigan sila ni LJ.
"Minsan, nami-misinterpret ng iba ang pagiging friendly ko laluna sa mga babae. Ganun lang talaga ako," pahayag pa ni Mikey.
Wala bang balak si Wendell na lumagay sa tahimik?
"Of course, meron naman," aniya. "Sa ngayon lang kasi, hindi pa ako preparado. Maybe, pagdating ng tamang panahon, gusto ko rin namang mag-asawa, dagdag pa niya.
Matagal-tagal na ring nakikipagsapalaran sa showbiz si Wendell pero hindi pa talaga dumarating ang tamang panahon niya hanggang sa isang araw ay dumating na lamang sa kanya ang alok ni Direk Joel Lamangan na mapasama sa pelikulang Hubog ng Good Harvest Films bilang isa sa dalawang leading men ni Assunta de Rossi sa movie. Although nakagawa na rin ng ilang-pelikula si Wendell, pawang mga supporting lamang ang kanyang role, not enough para siyay lumutang nang husto. Mabuti na lamang at hindi siya nawawalan ng trabaho dahil meron siyang regular program sa telebisyon, ang Bubble Gang na may anim na taon na ring namamayagpag sa ere.
Samantala, kapag hindi rin lamang abala si Wendell sa kanyang mga showbiz commitments, he finds time na mag-work out sa gym o di kaya maglaro ng basketbal with his friends to keep him fit. Plano rin ng binata na balikan ang kanyang pag-aaral next school year dahil alam naman niya na ang showbiz ay panandalian lamang.
Dahil sa pagpapaseksi sa pelikula ni Assunta, nasira ang kanilang relasyon ng dati niyang boyfriend na si Romel Adducul pero hindi naman umano siya nagsisisi dahil career move umano ang kanyang ginawa.
"Love can wait. Minsan lamang kasi ang mga ganitong opportunity na dumating sa ating buhay," aniya.