Wendell Ramos, dalawa na ang panganay
December 25, 2001 | 12:00am
Hindi maitago ng presidential son at Pampanga vice-governor Mikey Macapagal Arroyo, bida sa Di Kita Ma-Reach, na super exicted siya sa pagsakay sa float ng kanyang pelikula sa Parada ng mga Artista na magsisimula ngayong hapon at siyang signal sa pagsisimula ng Metro Manila Film Festival. First time kasi ni Mikey na mapasama sa MMFF. Of course, makakasama ni Mikey sa float ng pelikula ng Ecorp Films ang bumubuo ng cast ng pelikula na sina LJ Moreno, Tonton Gutierrez, Ana Capri, Elizabeth Oropesa, Bearwin Meiley, Yam Ledesma, Tommy Abuel at iba pa. Makakasama din nila sa float ang direktor ng movie na si Willy Milan na siya ring sumulat ng istorya. Hindi makakasama si Raymond Bagatsing dahil umalis ito patungo ng ibang bansa kasama ang kanyang wife na si Lara Fabregas for a much-needed vacation.
Although magsisimula pa lamang bukas (December 25) ang labanan ng pitong official entries sa takilya, umaasa si Mikey na sanay tangkilikin ng mga manonood ang pitong pelikula na kalahok sa filmfest.
Still on Mikey, inamin nito sa media na wife material umano ang kapareha niya sa movie na si LJ Moreno. Ang problema nga lamang, meron na itong bagong boyfriend, ang black cager na si Shawn Jones at si Mikey naman ay meron nang Angela Montenegro.
"Pero kung nagkataon na wala pa si Angela sa buhay ko, posible kong ligawan si LJ dahil bukod sa maganda at sexy, napakabait pa niya," deklara ng actor-politician.
Sa ngayon, tama na umano yung magkaibigan sila ni LJ.
"Minsan, nami-misinterpret ng iba ang pagiging friendly ko laluna sa mga babae. Ganun lang talaga ako," pahayag pa ni Mikey.
Hindi na itinatago ng aktor na si Wendell Ramos na may dalawa na siyang anak sa pagkabinata na parehong lalaki na may edad na apat at dalawa at itoy mga anak niya sa dalawang magkaibang babae. Ang isa niyang anak ay nasa Amerika kasama ng ina nito habang ang isa ay narito lang sa Pilipinas.
Wala bang balak si Wendell na lumagay sa tahimik?
"Of course, meron naman," aniya. "Sa ngayon lang kasi, hindi pa ako preparado. Maybe, pagdating ng tamang panahon, gusto ko rin namang mag-asawa, dagdag pa niya.
Matagal-tagal na ring nakikipagsapalaran sa showbiz si Wendell pero hindi pa talaga dumarating ang tamang panahon niya hanggang sa isang araw ay dumating na lamang sa kanya ang alok ni Direk Joel Lamangan na mapasama sa pelikulang Hubog ng Good Harvest Films bilang isa sa dalawang leading men ni Assunta de Rossi sa movie. Although nakagawa na rin ng ilang-pelikula si Wendell, pawang mga supporting lamang ang kanyang role, not enough para siyay lumutang nang husto. Mabuti na lamang at hindi siya nawawalan ng trabaho dahil meron siyang regular program sa telebisyon, ang Bubble Gang na may anim na taon na ring namamayagpag sa ere.
Samantala, kapag hindi rin lamang abala si Wendell sa kanyang mga showbiz commitments, he finds time na mag-work out sa gym o di kaya maglaro ng basketbal with his friends to keep him fit. Plano rin ng binata na balikan ang kanyang pag-aaral next school year dahil alam naman niya na ang showbiz ay panandalian lamang.
Pinapanood naman pala ni Assunta de Rossi ang mga pelikulang ginagawa niya tulad ng Red Diaries, Sisid at itong Hubog pero yumuyuko siya kapag mga daring scenes na ang ipinakikita.
Dahil sa pagpapaseksi sa pelikula ni Assunta, nasira ang kanilang relasyon ng dati niyang boyfriend na si Romel Adducul pero hindi naman umano siya nagsisisi dahil career move umano ang kanyang ginawa.
"Love can wait. Minsan lamang kasi ang mga ganitong opportunity na dumating sa ating buhay," aniya.
Although magsisimula pa lamang bukas (December 25) ang labanan ng pitong official entries sa takilya, umaasa si Mikey na sanay tangkilikin ng mga manonood ang pitong pelikula na kalahok sa filmfest.
Still on Mikey, inamin nito sa media na wife material umano ang kapareha niya sa movie na si LJ Moreno. Ang problema nga lamang, meron na itong bagong boyfriend, ang black cager na si Shawn Jones at si Mikey naman ay meron nang Angela Montenegro.
"Pero kung nagkataon na wala pa si Angela sa buhay ko, posible kong ligawan si LJ dahil bukod sa maganda at sexy, napakabait pa niya," deklara ng actor-politician.
Sa ngayon, tama na umano yung magkaibigan sila ni LJ.
"Minsan, nami-misinterpret ng iba ang pagiging friendly ko laluna sa mga babae. Ganun lang talaga ako," pahayag pa ni Mikey.
Wala bang balak si Wendell na lumagay sa tahimik?
"Of course, meron naman," aniya. "Sa ngayon lang kasi, hindi pa ako preparado. Maybe, pagdating ng tamang panahon, gusto ko rin namang mag-asawa, dagdag pa niya.
Matagal-tagal na ring nakikipagsapalaran sa showbiz si Wendell pero hindi pa talaga dumarating ang tamang panahon niya hanggang sa isang araw ay dumating na lamang sa kanya ang alok ni Direk Joel Lamangan na mapasama sa pelikulang Hubog ng Good Harvest Films bilang isa sa dalawang leading men ni Assunta de Rossi sa movie. Although nakagawa na rin ng ilang-pelikula si Wendell, pawang mga supporting lamang ang kanyang role, not enough para siyay lumutang nang husto. Mabuti na lamang at hindi siya nawawalan ng trabaho dahil meron siyang regular program sa telebisyon, ang Bubble Gang na may anim na taon na ring namamayagpag sa ere.
Samantala, kapag hindi rin lamang abala si Wendell sa kanyang mga showbiz commitments, he finds time na mag-work out sa gym o di kaya maglaro ng basketbal with his friends to keep him fit. Plano rin ng binata na balikan ang kanyang pag-aaral next school year dahil alam naman niya na ang showbiz ay panandalian lamang.
Dahil sa pagpapaseksi sa pelikula ni Assunta, nasira ang kanilang relasyon ng dati niyang boyfriend na si Romel Adducul pero hindi naman umano siya nagsisisi dahil career move umano ang kanyang ginawa.
"Love can wait. Minsan lamang kasi ang mga ganitong opportunity na dumating sa ating buhay," aniya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended