Dahil siguro sa pagtakbo ng panahon at dahil nagkaka-edad na rin ako, may mga pagkakataon na hindi na ako humihiling ng materyal na bagay tuwing Pasko. Kung may matanggap man akong regalo salamat ng marami. Pero kung wala, maiintindihan ko. Sa totoo lang, maraming kasamahan sa hanapbuhay ang nagrereklamo sa hirap ng buhay.
Pero sa kabila ng hirap ng buhay, mayroon pa rin tayong dapat ipagpasalamat ngayon, ang Araw ng Kapaskuhan. Yun lang dumating ang Pasko, masaya na. Ibig sabihin, buhay pa tayo. Nakakasama pa natin ang ating pamilya at kaibigan.
Kaya kahit mahirap ang buhay, mga kababayan ko, tuloy pa rin ang Pasko. At nariyan ang nalalapit na Bagong Taon.
Maligayang Pasko sa inyong lahat, mga minamahal naming mambabasa.
Kita namin ang reaksyon sa mukha ni
Jodi Santamaria nang tanungin ni
Boy Abunda sa
The Buzz nong Sunday tungkol sa wish ni
Baron Geisler na ma-win back ang puso niya.
Halatang nagulat ang dalaga.
"Hindi ko alam yun!" reaksyon nito sa tanong ni Tito Boy.
Sa nasabing episode ay inamin na rin finally ni Jodi na may special someone nga siya. Ito yung anak ni Senator
Panfilo Lacson.
So, yung pinakaasam ni Baron na ma-win back ang puso ni Jodi ay mukhang imposible na.
O malay natin, ipursige ni Baron ang plano niya.
Bongga talaga ang
The Hunks! Last Sunday ay ginawaran sila ng gold record award para sa album nila under
Star Records. Gulat sina
Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca at
Jericho Rosales dahil na-reach ng sales ng live album nila ang gold record mark. Sayang at wala si
Piolo Pascual para makasama sa pagtanggap ng award. Nasa Italy ito kasama ang kanyang pamilya.
Come next year ay mas lalo pang bubongga ang career ng
Hunks. Bukod sa US Tour nila (Hawaii, Las Vegas and San Diego), magkakaroon din sila ng concert sa Music Museum sa February naman. Matutuloy pa rin finally ang movie ng gagawin nilang lima under
Star Cinema.
Nakita namin kung paanong pinagkakaguluhan ang
Hunks hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. The group has indeed made a mark in the entertainment scene. Siyempre, mayroon din silang individual careers na pagtutuunan next year.
Gusto naming pasalamatan ang mga nakaalala sa amin ngayong Kapaskuhan,
Johnny Manahan, Ms. Mariole Alberto, Deo Endrinal, Jackie Liu, Rikka Dylim (and family)
Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Carlos Agassi, Onemig Bondoc, RJ Rosales, Tin Arnaldo, Rafael Rosell, Luis Alandy, Dennis Trillo, Adrian Albert, Heart Evangelista, Cherry Lou, Camille and
John Pratts, Viva Entertainment, Martin Nievera, Thess Gubi, Freddie Bautista, Patty Ramirez at yung iba, next time na lang dahil kulang na sa pahina.
For your comments and feedback, you can e-mail me at
eric_ john_salut@hotmail.com.