^

PSN Showbiz

Paano ang Pasko ni Lani?

-
Napatunayan ni Lani Misalucha kung gaano siya kasikat sa Paskong ito. Nung isa lamang siyang karaniwang singer ay nagagawa niyang mapaghandaang mabuti ang Pasko. Malayo pa ito ay nakakapag-shopping na siya.

Hindi na ngayon. Wala na siyang panahon maski para sa kanyang sarili. Masyadong maraming shows. Ngayong Disyembre, nagawa niyang mag-show sa US, New York at Chicago bilang guest ni Martin Nievera.

Nakasama sa isang pabenepisyo para sa Aurelio Periquet, Jr. Business Scholarship Fund, naging guest ni David Pomeranz, at muli ni Martin sa A Song For Peace.

Sa kabila ng lahat, naisisingit pa rin ni Lani ang paggawa ng album, paglabas sa SOP, pagbibigay ng interviews at pictorials. Naghahanda pa rin siya sa mga darating pang concerts next year.

Sa lahat ng ito, nagpapasalamat si Lani sa Panginoon na nagbigay sa kanya ng talino, sa mga manager niyang sina Ronnie at Ida Henares sa mahusay na pagmamaneho ng kanyang career.

"Kung wala sila, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon," aniya.

vuukle comment

A SONG FOR PEACE

AURELIO PERIQUET

DAVID POMERANZ

IDA HENARES

JR. BUSINESS SCHOLARSHIP FUND

LANI

LANI MISALUCHA

MALAYO

MARTIN NIEVERA

NEW YORK

NGAYONG DISYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with