Bakit nawala ang magic ni Gary V.?

Ang tanong ng maraming tao, in and out of showbiz: "Bakit nawala ang magic ni Gary V?

Tiyak na hindi ang kanyang ever loving wife na si Angeli Pangilinan Valenciano ang dahilan! Aba, isang tunay na Kristiyano-na panay ang sambit ng ‘Praise the Lord’ — si misis so imposibleng there’s a mean bone in her entire system.

Aba, kilalang-kilala si Angeli sa kanyang kabaitan at husay makisama sa tao at sa lahat ng mga taga industriya. Never na naging backbiter siya at she has always been fair in her dealing with them, di ba?

At lalong wala siyang siniraan sa mga kasamahan niya sa showbiz, lalo pa nga’t sa talikuran. Isa siyang born-again Christian kaya’t she knows fully well, na masama ang masakit o maka-apak ng kapwa, lalo na’t pa-traydor.

Kaya’t erase bigla sa mga dahilan ng pagbulusok pababa ni Gary V, ang Angeli na sa pangalan pa lamang ay anghel na ang kahulugan.

Sabi ng mga napagtanungan ko, talaga lamang nagsawa na sila sa panonood ng mga live concerts ng dating singing idol, dahil yon at yon din naman ang ipinakikita niya. Wala ni halos pagbabago, simula pa ng maging Gary V. siya.

Meron namang nagmumungkahi na i-build na lang ang kanyang mga anak. He has three children at maaaring isa rito ang sumikat tulad niya.

Minsan ay nakausap namin ang isang Ayala executive na involved mismo sa Onstage, isa sa pangunahing live concert venue ngayon sa Metro Manila.

Ang reklamo ng manager, mahina ang show doon ni Gary V. "Hindi masyadong tinao," ang exact words niya. At malayo daw kung ikukumpara sa mga concerts doon ni Martin Nievera, na kahit paulit-ulit nang nagtanghal dun at panay ang extension ng mga show niya, parating full house.

Noon namang nag-show si Gary V recently, kailangan pang magsama siya ng mga talagang sikat ngayon tulad nina Lani Misalucha at Piolo Pascual, upang makahatak ng tao. Nasanay kasi kaming si Gary V lang ang headliner at ang mga supporting cast niya ay mga newcomers na binibigyan lang nila ng break.

Kaso sa recent major concert niya, maraming big names kaya’t isa na namang patunay ito ng law of diminishing returns–o ang patuloy na paglalaho ng Gary V. magic!

Isang payo naman ang nagsabing isang magandang kanta ang kailangan niya para muling makabangon. Siguro yong tipo ng "Di Na Natuto" na likha ni Ka Danny Javier na talaga namang kuwelang-kwela sa masa at sa lahat ng uri ng publiko. Pero sa edad ni Gary V., ang temang "Di Na Natuto" ay hindi na bagay. Kay Angeli kaya?

Kasi naman sa showbiz ay meron din saturation point. Kapag narating mo na ang puntong nagsawa na talaga sa ’yo ang manonood, talagang tuldok na. Kahit ano pang gimik ang gawin, mga PR-men at image builders, wala na talagang magagawa.

Pero kung marami namang taong nagdarasal pa upang makabawi si Gary V., posibleng umarangkada pa ang kanyang career. Sana naman, walang mga maraming taong nagkikimkim ng galit sa kanila para maglaho ang mga negative vibes na tunay na humihila ng kahit anong bagay pababa!
* * *
Maraming salamat sa mga noontime shows dahil sila ang dahilan kung bakit nag-boom ang game shows sa Pinoy TV.

Pero kahit dagsa na ang mga game show, top favorite ko pa rin ang LG Digital Quiz sa GMA-7. Successful talaga ang show, pero dalawa lamang ang reklamo ko rito.

Hanggang ngayon, pag-third world ang cash prize nilang P12,000 para sa weekly champion. Kung ikukumpara ang lubos na paghahanda ng mga istudyanteng kalahok dito sa mga nag-aala-tsamba sa mga noontime game shows ay wala sa kalingkingan. Talagang stiff ang competition sa LG Quiz show, dahil pawang matatalino at piling-pili ang contestants nila. Pag nanalo ganoon lang kaliit ang premyo! May pagka-Madam Curie (kuripot) kahit isang malaking corporation at high tech pa ang show!

Isa pang napupuna namin ay ang quizmistress na si Regine Vera-Perez. Tuwing show, over-dressed siya na tila dadalo sa isang party. Hindi bagay sa isang disenteng quiz show ang kanyang suot na siguro ay siya na rin ang nag-design.

Maganda at grasyosa si Regine, pero suggestion lang naman: Ibagay niya sa okayson o sa palabas ang kanyang attire.

Show comments