^

PSN Showbiz

Jolina's doll, mas mahal pa sa imported

- Veronica R. Samio -
Isang kamag-anak na naninirahan sa US ang nag-inform sa akin na nakabili siya ng Jolina’s Doll makatapos ang isang concert ni Jolina Magdangal sa kanyang lugar sa Amerika. Kahit na medyo may kamahalan ang halaga nito, hindi bababa ng $12 kumpara sa mga manika na gawa ng isang malaking kumpanya dun na nabibili lamang sa halagang $9, hindi na siya nanghinayang pa sapagkat kumakanta naman daw ito at kamukha pa ng kanyang idolo.

Dito man sa atin ay mabilis ang benta ng Jolina’s Dolls. Nakatutuwa nga na nagagawa nitong makipaglaban ng sabayan sa bentahan ng mga imported dolls na kilala na at matagal nang available sa market. Ibig sabihin lamang ay nadadala ng kasikatan ni Jolina ang mga manika na ginawa at inihawig pa sa kanya.

Samantala, marami na ang naghihintay na maipalabas ang movie ni Jolina with Leandro Muñoz na Kung Ika’y Isang Panaginip.
*****
Sinabi ng sikat na music maestro na si Ryan Cayabyab na kaya niya inisip na mangibang bansa kasama ang kanyang pamilya ay gusto niyang makakuha ng mas mataas na pinag-aralan. Bilang isang propesor sa musika, sa UP (on leave) insecure siya na wala siya master’s degree o PhD. Ang parang nakalimutan niya ay ang pangyayaring anumang kakulangan niya sa edukasyon ay sinulit naman niya sa ibang bagay. Isa siyang TOYM Awardee (’69), mayroon siyang tatlong Grand Prix Awards, isang Antonio Barreiro Achievement Award, AWIT Lifetime Achievement Award (’96) at CCP Centennial Honors For The Arts.

Pinakahuling award niya ay para sa kanyang sagradong komposisyon, ang "Misa 2001" na ibinigay ng Alexander S. Onassis Public Benefit Foundation. Binigyan din siya ng UP Alumni Association ng Professional Award in Music nung 1998. Nagdaos ng kauna-unahang Onassis International Competition for Original Music Composition for Dance and Original Choreography. Nanalong second prize ang komposisyon ni Ryan, ang nag-iisang entry mula sa Pilipinas. Ka-share niya sa karangalan ang entry ng isang taga-United Kingdom. Bukod sa award, tumanggap siya ng US$37,5000 cash prize. Walang nanalo ng first prize.

"Nakalimutan ko na ang tungkol dito dahil sa aking kaabalahan. Maiintindihan n’yo na ang aking pagkalito nang makatanggap ako ng tawag sa telepono mula sa Embassy ng Greece," aniya.

Si Ryan ang kasalukuyang executive at artistic director ng bagong tatag na San Miguel Foundation for the Performing Arts. Kailan lamang siya nagsimula ng kanyang trabaho rito pero, nakapagtayo agad siya ng isang orchestra na maihahambing sa pinaka-magaling sa bansa at maging sa labas nito. Nakapagtatag na rin siya ng isang 50-plus voices chorale na ilulunsad early next year bilang San Miguel Philharmonic Orchestra at San Miguel Master Chorale.
*****
Hindi man natin napapansin, patuloy pa rin ang pinsala na nagaganap sa showbiz. Kamamatay lamang ng isang cameraman na hindi nagtagal ay sinundan din ng kamatayan ng dating child star na si Strawberry.

Ang tanging liwanag na nababanaag natin sa ating madilim pa ring showbiz ay ang patuloy na pagbuti ng kalagayan ni Vandolph.

Maganda ring senyales ang atensyon na nage-generate ng mga pelikula na ipalalabas sa Metro Manila Film Festival simula sa Pasko. Hindi man sumang-ayon ang marami na nagrereklamo sapagkat kakaunti raw ang pelikula na mapapanood nila na kasama ang kanilang mga anak, may pelikula silang mapapanood na sama-sama. Gaya ng Bahay Ni Lola na sa trailer pa lamang ay nasisiyahan nang matakot ang aking mga batang pamangkin. Hindi man nila makasama ang kanilang mga anak, I’m sure, sulit ang perang ibabayad nila sa mga iba pang pelikula na ginawa sa pamantayang napakataas. Tulad ng Bagong Buwan na binigyan ng A Rating ng FRB. Tipong historical naman ang Yamashita na nagbabadya ng lakas sa takilya. Bagaman at parehong seksing pelikula, pang-award naman ang mga pelikulang Tatarin at Hubog.

Hindi ko pa napapanood sa trailer man ng Hesusmaryosep o ng Di Kita Ma-Reach pero, kung type n’yo ng mga nakakatawang pelikula, maganda ang pangako ng dalawang pelikulang ito.

Pitong pelikula na pwedeng pagpistahan ngayong Kapaskuhan. Kung mayroon kayong kaunting pera na pwedeng paglaruan, nood naman kayo ng sine. Makakatukong kayo para muling mabuhay ang ating industriya. At masisiyahan naman kayo sapagkat pitong mga direktor, producer, script writer at maraming creative and technical people ang nagtulung-tulong para makagawa ng mga natatanging produkto na pinili para makasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong Pasko.

Kita-kits na lang tayo.

A RATING

ALEXANDER S

ALUMNI ASSOCIATION

ANTONIO BARREIRO ACHIEVEMENT AWARD

BAGONG BUWAN

ISANG

JOLINA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with