"I am nothing without you, guys!" ang tinuran ni Carlos. "Salamat sa mga pangaral ninyo sa akin. Lagi kong ipinapasok sa isip ko yun para laging nakatapak ang paa ko sa lupa," sabi pa ng birthday boy.
Medyo naging mainit ang naturang gabi dahil sa isang fashion show kung saan itinampok ang bagong collection ng Hanford Sport na si Carlos ang celebrity endorser. Sampung male models ang rumampa para i-showcase ang nasabing collection. Nagkaroon din ng raffle kung saan nanalo ang inyong lingkod.
Masaya ang nasabing concert ni Carlos kasama ang X Project. Talaga yatang malakas ang hatak ni Carlos sa mga sosyal na girls na siyang nakita naming karamihan sa crowd. Buhay na buhay ang crowd sa kanyang performance.
Naging special guest ni Carlos sa nasabing show si Patricia Javier. Si Patricia ang bumuhay sa male crowd. Okey pala itong performer na first time naming napanood.
Naging masaya ang kabuuan ng gabing yon for Carlos. At para sa amin na ring mga press people na nakasama niya sa araw ng kanyang kaarawan.
Ayon sa reliable source na nakausap namin, super taas ang rating ng show ni Kris. To quote our source, "Hitsura ng teleserye sa rating ng show ni Kris!"
Hindi na rin kami nagtaka sa emergence ng Game K N B? bilang numero unong primetime game show sa Philippine television. Its one show na nakakabuhay ng dugo. Opinyon namin yun. At everytime na tatanungin ni Kris ang viewers ng "Pilipinas, game ka na ba?!" pati kami ay napapataas ng kamay sabay sagot ng "Game na!"
Maganda rin ang pasok ng advertisements sa show ni Kris. Pinasok na ito ng Bayantel at PLDT. Pati ang iba pang multi-national corporation ay pumasok na rin.
May napansin lang kami kay Kris bilang host. Parang lahat ng contestant ay gusto niyang manalo. Nakikita sa facial expression niya kapag mali ang sagot ng contestant. Although hindi dapat ganon. Or is she only living up to that catch line, "Ang game show na may puso"?
Na-redeem ni Kris ang sarili sa pangungutya nang magsimula ang kanyang show. Kaliwat kanan ang batikos hindi lang sa kanyang istilo pati na rin sa kanyang pananamit. Well, ang masasabi lang namin, congratulations, Kris!
"Hindi ko makakalimutan yun dahil yun ang first MMK ko after kong ma-launch sa Star Circle 9. Tapos si Jericho agad ang nakatrabaho ko. Aaminin ko, napagod ako sa episode na yun pero worth it naman po kasi kahit papaano may nakapansin," sabi ng ever humble na batang ito.
Very proud kay Janus ang ABS-CBN Talent Center sa recognition niya. Tiyak na magsunud-sunod ang mga projects ng binatang aktor. Kasama nga pala siya sa Yamashita: The Tigers Treasure, isa sa pitong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.
Is Janus expecting an award for his performance sa movie?
"Naku, hindi po, no! Masaya na po ako na mapasama sa movie. Magandang experience po yun sa akin," sabi ni Janus.