Jay Manalo, produkto ng 'Ang TV'
December 20, 2001 | 12:00am
Hindi lamang pala ang Thats Entertainment ang pinanggalingan ng maraming bold stars natin ngayon. Maging ang bagets show na Ang TV has produced one bold actor na ngayon ay kinikilala ang kahusayan sa larangan ng acting si Jay Manalo. Nakasabay niya sa naturang palabas sina Poly Yllana (kapatid nina Anjo at Jomari), Gio at Luigi Alvarez, Jolina Magdangal, Angelu de Leon at Roselle Nava.
"Taga-palakpak lang ako dun sa mga nagpi-perform," imporma niya. "Wala talaga akong balak na mag-artista dahil sobrang mahiyain ako nun. Gusto ko lang maging commercial model. Kaya sumali ako sa "Man Of The Year" na nagbigay sa akin ng break para makalabas sa komersyal at, ultimately, sa pelikula rin ako bumagsak," dagdag pa ni Jay sa presscon ng Hubog, entry para sa Metro Manila Film Festival at nagtatampok din sa main cast kina Assunta at Alessandra de Rossi at Wendell Ramos.
Nakasama rin ni Jay sa isa sa mga una niyang pelikula, ang Urban Rangers, ang ngayon ay malalaki nang aktor gaya nina Joko Diaz, Robin Padilla at marami pa. "Kaya nga I consider this as one of my most memorable films. Gaya rin ng Totoy Mola," (his launching movie) patuloy niya.
Wala siyang masabi na na-X ang Hubog pero, tutol siya na putulan ito para lamang mabigyan ng rating na R18.
"Maganda ang role ko dito. Parang mabait na nasa loob ang kulo. Patay na patay ako dito kay Assunta at para makuha ko ang loob niya ay pinatay kong lahat ang mga lalaki na nang-rape sa kapatid niya."
Hanggang ngayon ay naiinis pa rin si Jay kapag idinadawit ang kanyang pangalan sa isang mayamang negosyante. "Nakakainis dahil sinasabi nilang sa kanya nanggaling ang lahat ng gamit ko. Bakit hindi ba ako marunong magtrabaho? Hinahamon ko nga ang lahat ng nagpaparatang na iharap nyo siya sa akin para magkaalaman na pero, hanggang ngayon wala pa ring nagkakalakas ng loob na gawin ito.
"Magaganda ang kotse ko pero, pinaghihirapan kong lahat ito. Walang nagreregalo nito sa akin. May negosyo akong buy and sell ng kotse at magagandang kotse ang naibebenta ko. Pero syempre. Habang di pa ito nabibili ay dinadala ko ito. Kaya paiba-iba ang sinasakyan ko," paliwanag niya.
Next movie niya ay para sa Maverick Films.
Synch-O ang pangalan ng bagong grupo na ito na binubuo ng limang naggugwapuhang kabataang lalaki na nagngangalang John Richardson (18), Mark Anthony Carballo (20), Glen Sta. Cruz (19), Jeffrey Labongray (16) at Morris Claveria (20). Ang lima ay mga beterano ng mga pakontes sa TV gaya ng "Cool Dudes" at "Ikaw At Echo".
Dalawang buwan na silang nagti-training. Kumukuha sila ng lessons sa dance, speech, singing at araw-araw ay may daily session sila sa isang gym bilang paghahanda sa kanilang launching. Bagaman at mahirap ang kanilang ginagawang pagsasanay, nagpapasalamat ang lima na mabigyan ng ganitong paghahanda ng libre.
Ang Talentworks Entertainment Corporation na pinamumunuan nina Enrique Lagoc at Henry Pawhay ang humahawak ng career ng grupo katulong ang isang all-star-cast na kilala sa kanilang mga fields:
Maxi Cinco for their clothes, image consultant Cathy Mahusay and Celeste Rodriguez of Cut Annapolis salon for their look, Marvin Querido as their musical director, writer Penny Daza as their speech coach, Monette Silvestre ng TUX at DV8 bilang vocal coaches, Batche Tan as their dance instructor, Knox as their gym trainer, Alex Vicencio for their make-up, Xander Angeles as their official photographer at Arnel at Daniel, their sound engineers.
Itinanggi ng Synch-O na sila ang local counterpart ng *NSynch. "Gusto lamang namin ang mga songs nila kaya kinakanta namin," sabi nila. Kumakanta rin sila ng mga songs ng Backstreet Boys, Westlife, 98 Degrees, at O-Town.
Si Mark ay bakasyon sa kanyang Broadcast Communications Studies sa UP Diliman. Siya ang kinikilalang kuya ng grupo.
Si Jeffrey ay tumutugtog ng piano, drums at guitar. Nagku-compose din siya at ang ilan sa mga komposisyon niya ay makakasama sa kanilang album.
Si John ay dating myembro ng isang bandang alternatibo.
Si Glen ay R&B ang influences. Mukhang suplado pero, makulit.
Si Morris ay theater ang background. Nag-attend siya ng voice workshop sa Met. Siya ang pinaka-relihiyoso sa lima.
Bukod sa ginagawa nilang intense training, hopeful sila sa plano para sa isang album. Excited na rin sila sa isang Valentine show na gagawin nila kasama si Candy Pangilinan.
Sa kabila ng kanilang kabataan, sinabi ng lima na lahat sila ay breadwinner ng pamilya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended