Magandang tsansa sa mga artista
December 19, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng napaka-tumal na negosyo na ibinibigay ng ating local showbiz, patuloy at patuloy pa rin ang pagtatatag ng mga kumpanya na may layunin na makatulong sa mga Pinoy na may talino at gustong maging artista sa pelikula, TV, tanghalan at recording.
Ang bagong tatag na 8 Entertainment sa pamumuno ni Emma C.L Lin, isang kilala at respetadong negosyante sa larangan ng restaurant, club at international plastic manufacturing ay naghahain din ng ganitong posibilidad. Katulong niya ang isang beteranong composer-record producer na maglilingkod bilang general manager, si Nonoy Tan. Ang talent manager namang si Vera Isberto ang tatayong artist manager ng kumpanya at kabilang naman sa Board of Directors si Bong Sierra, isa sa mga pillars ng freight forwarding business.
Ang 8 Entertainment ay ideyal para sa mga mang-aawit, musikero at banda na gustong magkaroon ng pagkakataon sa nakahihindik na mundo ng live performances at album producer. Nagbibigay din ito ng posibilidad sa pagi-ensayo, bookings local and foreign, career management para sa mga singers, movie and TV actors, fashion and commercial models. Hangarin din nitong gumawa ng mga palabas dito sa bansa at maging sa labas nito.
Ang mga bagong talino ng kumpanya ay binubuo nina Anjelina at Marikit (dating Aloha Fabian) na magkakaroon ng kanilang album launchings, Sherwin Lucas na hinuhulaang susunod na jukebox king at ang 5-member boy band na Cinco na magre-record ng kanilang debut album sa Enero.
Sa hanay naman ng mga baguhang artista, hinuhulma si Ginger Lopez bilang kontrabida. Dating mang-aawit si Ginger na kinakitaan ng potensyal sa komedi.
Ang iba pang artist ng 8 Entertainment ay sina: Clark Cariño, na may album na ilulunsad sa BMG Records Mystika; Toyz, tinaguriang Westlife ng Pinas; Julio Diaz; Simon Ibarra; Quickie, novelty singer at Geryk Genaskey, commercial and print ad model.
Im sure pangarap mo rin na maging isang sikat na artista, kung hindi man bilang singer ay yung umakting sa pelikula at telebisyon.
Matutupad mo na ang iyong pangarap na maging isang Regine, Lani, Janno o Ogie. Bumili ka lamang ng Talk Line Card, yung phone card na ini-endorso ngayon ni Judy Ann Santos at gamitin ang telepono sa pagpili ng iyong paboritong kanta.
Ang mananalo sa monthly competition ay tatanggap ng P20,000 at P10,000 naman sa pangalawa. Ang mga monthly winners ay maglalaban sa grand finals na gaganapin sa buwang ito.
Pwede mong i-record ang iyong boses habang kumakanta sa telepono. Maaari mo ring i-dedicate sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng voice mail. May tsansa ka pang mapili bilang pinaka-mahusay na mang-aawit. Ang iyong larawan ay ilalagay sa Talk Lines website.
Ang isa pang maganda sa Talk Line Card ay pwede mong makausap ang iyong paboritong artista na gaya ni Judy Ann Santos. Tumawag lamang sa Talkline ID No. 22111101.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended