Noon kasi, pawang mga karangalan para sa aking mga programa sa telebisyon, sa Germs Special, Negosyete o sa Germs Special ang natatanggap ko. Ngayon radyo naman.
Nakaka-excite tumanggap. Parang kakaiba ang pakiramdam.
Marami akong nakalaban, pero pinalad akong manalo. Kaya nga labis na pasasalamat ang nais kong ipaabot sa mga taong bumubuo ng Golden Dove partikular na ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas. Sila ang nasa likod ng taunang pagbibigay ng parangal sa mga taong nagsisikap na makapagbigay ng mga programang may kabuluhan sa radyo at telebisyon.
Ang awarding ng Golden Dove ay ginanap noong nakaraang Huwebes ng gabi sa Onstage Greenbelt.
Siyanga pala, nais ko ring batiin lahat ng mga kasamahan at kapamilya ko sa GMA na tumanggap din ng karangalan.
Sanga-sanga na ang mga naglalabasang isyu tungkol sa umanoy pag-alis ni Piolo sa poder ni Joji.
Hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng kanilang pagsasama bilang manager at talent.
May mga pagkakataon na animoy walang katapusan ang kanilang magandang pagsasamahan dahil nakikita ko namang maganda ang pangangalaga ni Joji sa career ni Piolo. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin.
Ang hindi ko nagugustuhan sa nangyayari ay ang katotohanang pati personal na bagay ay nagiging isyu na sa kanilang paghihiwalay. Nauungkat na pati ang mga bagay na wala namang kinalaman sa totoong isyu.
Parang hindi yata makatarungan ang ganitong bagay. Wala naman siyang pagkakataon na sagutin lahat ng mga ibinabatong akusasyon sa kanya dahil nasa ibang bansa siya.
Ang masasabi ko lang sa lahat, huwag agad tayong basta-basta humusga sa kapwa. Kilala ko si Piolo dahil alam naman ng lahat na galing siya sa Thats Entertainment.
Siyempre hindi natin maiaalis yan dahil maraming gumawa ng pelikula para mapasali sa MMFF pero hindi napili.
Ang maisa-suggest ko lang sa MMFF, para hindi magkaroon ng problema buksan ang policy kung ano talaga para malaman ng tao kung ano talaga ang dapat.
Pero sa kabila ng ilang isyu tulad nang nabanggit ko, bilang pangulo ng Kapisanan ng mga Artista, hinahangad ko ang tagumpay ng filmfest ngayong taon.
Sa Disyembre 25 ang pormal na pagbubukas ng festival, pero siyempre hindi na maaalis ang tradisyon ng Parade of Stars sa December 24 na inaabangan ng mga fans.