ABS-CBN humakot ng awards sa 2001 Asian TV Awards
December 15, 2001 | 12:00am
Nakapag-uwi ang ABS-CBN ng labing-isang awards mula sa 2001 Asian TV Awards na ginanap sa Singapore recently. Ang Star Network ang nakakuha ng may pinakamaraming awards ngayong taon sa buong Asya.
In the programming category, ABS-CBN was highly-recommended as "Broadcaster of the Year" but went a step up in the "Channel of the Year" derby taking home the sole Runner Up Prize in the category.
Nanalo naman ang Maalaala Mo Kaya bilang best single drama for its episode "Wedding Ring". Runner up naman ang Pangako Sa Yo sa best drama series category. Nanalo ang "A Christmas Prayer" ng best entertainment special at ang ASAP as highly recommended citation sa best music programme category.
Runners up din ang The Explorer for best natural history or wild life programme category at ang Urban Living bilang best entertainment programme category. Both shows are from Studio 23, sister network ng ABS-CBN.
Sa performance awards, wagi si Raymond Bagatsing ng best-performance by an actor para sa "Wedding Ring" episode ng Maalaala Mo Kaya. Sole runner up winners naman sina Jaclyn Jose (for the same episode) at Janus del Prado for "Pasa" episode ng Maalaala Mo Kaya.
Natutuwa kami para sa aktor na si Gerald Madrid dahil muli siyang nagbabalik sa movies. Isa si Gerald sa mga baguhang aktor two years ago na nakitaan namin ng potensyal. Pinahanga kami ni Gerald sa performance niya sa pelikulang Sana Pag-ibig Na kung saan umani siya ng papuri mula sa mga kritiko.
Ngayon ay mayroon siyang bagong movie under Maverick Films. Kasama siya sa Susmaryosep: 4 Father, isa sa pitong entries sa Metro Manila Film Festival. Kasama rin sa movie sina Bojo Molina, Bobby Andrews at Polo Ravales. Si Boy Vinarao ang direktor ng movie.
"Tuwang-tuwa ako nang makapasok ang movie namin," pahayag nito. "Ibang klase ang excitement ko kasi first time kong magka-entry sa festival. Tapos, iba pa yung movie namin sa typical movies sa festival."
"Kung kailan naman magtatapos ang taon at saka dumating. I want to make sure na hindi ko na sasayangin yung mga opportunities na darating," sabi ni Gerald.
Umaasa rin kami na maging maganda ang darating na taon kay Gerald. Sayang dahil kung nagtuluy-tuloy ang tiyaga niya, tiyak na sila ni Jericho Rosales ang mahigpit na magkalaban ngayon bilang pinakamahusay sa hanay ng mga kabataang aktor.
Mukhang sina John Lloyd Cruz at Kaye Abad pa rin ang gusto ng fans bilang magka-loveteam. Ito ang clamor na naririnig namin mula sa mga tagahanga ng dalawa at ng programang Tabing Ilog.
Matatandaan na nagkaroon ng twist sa kuwento ng nasabing teen drama program nang pumasok sa eksena si Rafael Rosell. Si Rafael ang gumaganap ngayong asawa ni Kaye. But we heard na magkakaroon ng major changes sa kuwento at ibabalik ang istorya sa loveteam nina Kaye at John Lloyd. And knowing ABS-CBN kaya nilang gawan ng paraan para ma-focus ang kuwento sa dalawang artista.
Ano ang mangyayari kay Rafael? We heard na lulutuin ang team up nito at ni Jolina Magdangal. Di bat siya ang leading man ni Jolina sa movie ng Kung Ikay Panaginip.
Wait and see na lang tayo sa mga changes na sinasabi namin.
For your comments and feedback, you can e-mail me at [email protected].
In the programming category, ABS-CBN was highly-recommended as "Broadcaster of the Year" but went a step up in the "Channel of the Year" derby taking home the sole Runner Up Prize in the category.
Nanalo naman ang Maalaala Mo Kaya bilang best single drama for its episode "Wedding Ring". Runner up naman ang Pangako Sa Yo sa best drama series category. Nanalo ang "A Christmas Prayer" ng best entertainment special at ang ASAP as highly recommended citation sa best music programme category.
Runners up din ang The Explorer for best natural history or wild life programme category at ang Urban Living bilang best entertainment programme category. Both shows are from Studio 23, sister network ng ABS-CBN.
Sa performance awards, wagi si Raymond Bagatsing ng best-performance by an actor para sa "Wedding Ring" episode ng Maalaala Mo Kaya. Sole runner up winners naman sina Jaclyn Jose (for the same episode) at Janus del Prado for "Pasa" episode ng Maalaala Mo Kaya.
Ngayon ay mayroon siyang bagong movie under Maverick Films. Kasama siya sa Susmaryosep: 4 Father, isa sa pitong entries sa Metro Manila Film Festival. Kasama rin sa movie sina Bojo Molina, Bobby Andrews at Polo Ravales. Si Boy Vinarao ang direktor ng movie.
"Tuwang-tuwa ako nang makapasok ang movie namin," pahayag nito. "Ibang klase ang excitement ko kasi first time kong magka-entry sa festival. Tapos, iba pa yung movie namin sa typical movies sa festival."
"Kung kailan naman magtatapos ang taon at saka dumating. I want to make sure na hindi ko na sasayangin yung mga opportunities na darating," sabi ni Gerald.
Umaasa rin kami na maging maganda ang darating na taon kay Gerald. Sayang dahil kung nagtuluy-tuloy ang tiyaga niya, tiyak na sila ni Jericho Rosales ang mahigpit na magkalaban ngayon bilang pinakamahusay sa hanay ng mga kabataang aktor.
Matatandaan na nagkaroon ng twist sa kuwento ng nasabing teen drama program nang pumasok sa eksena si Rafael Rosell. Si Rafael ang gumaganap ngayong asawa ni Kaye. But we heard na magkakaroon ng major changes sa kuwento at ibabalik ang istorya sa loveteam nina Kaye at John Lloyd. And knowing ABS-CBN kaya nilang gawan ng paraan para ma-focus ang kuwento sa dalawang artista.
Ano ang mangyayari kay Rafael? We heard na lulutuin ang team up nito at ni Jolina Magdangal. Di bat siya ang leading man ni Jolina sa movie ng Kung Ikay Panaginip.
Wait and see na lang tayo sa mga changes na sinasabi namin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended