Jolina, booked na hanggang Pebrero

Very busy talaga si Jolina Magdangal dahil hanggang February ay booked na siya. Meron siyang show ulit sa Hawaii and California kung saan ay i-introduce rin niya ang kanyang bagong business venture na Jolina Singing Dolls.

May 6 na iba’t ibang costume ang Jolina Dolls and are available sa Jolina’s Fashion Gallery at department stores nationwide. Naalala tuloy namin ang mga iba pang dolls ng celebrities tulad niya na sina Britney Spears and Cristina Aguilera na kasabayan ng Jolina Dolls. Talbog sila panigurado dahil ang Jolina Dolls ay kumakanta na at priced at P399.75 lamang.

Siyempre much awaited ang movie ni Jolina na Kung Ika’y Panaginip with Leandro Muñoz and Rafael Rosell IV.

According sa Star Cinema sa January na ang opening ng movie ni Jolina at para sa amin magandang paraan ito sa pagbubukas ng bagong taon dahil isang movie agad ang umpisa ng taon ni Jolens.
*****
Kapansin-pansin si Heart Evangelista sa mga pictures na ipinakita sa Pipol na tribute kay Desiree Raquiza. Close pala itong si Heart kay Ishi dahil naging kabarkada at classmate niya ito noong nag-aaral pa siya sa Colegio de San Agustin. At kahit pa busy ang schedule niya ay hindi niya nakalimutang makiramay sa pamilya ni Ishi.

Malungkot si Heart sa nangyari sa kanyang kaibigan. Para lang sleeping beauty si Ishi noong bisitahin niya ito sa ospital. Siyempre hindi mawawala dito ang pagka-miss nito sa kanyang kaibigan. Isa sa mga bestfriends niya si Ishi at isa ito sa mga sumuporta sa kanya noong suungin ni Heart ang mundo ng showbiz. At kahit maraming negative sa desisyon ni Heart nasa likod pa rin niya si Desiree all the way. Sabi nga ni Heart hindi siya makapaniwala na nawala ang kaibigan niya sa napakamurang edad.
*****
Kitang-kita sa mukha ni Bernard Palanca ang kasiyahan niya sa kanyang career at buhay. At kahit ano pang intriga na marinig niya ay pinalalampas na lang niya dahil mas naniniwala siya sa kanyang sarili at sa mga malapit sa kanya. Maraming nagsasabing nagpakasal na sila ni Rica Peralejo dahil sa singsing na suot niya. Pero he assured the press that he would surely let everyone know pag nagpakasal na siya. Sabi nga ni Bernard, ipagmamalaki pa niya sa buong mundo at hindi niya itatago ang ganitong kasayang pangyayari sa kanyang buhay. Ayaw din nilang magmadali at advice din sa kanila na bata pa sila, after all Rica is only 20 and siya ay katu-25 pa lang.

Bernard’s also very happy for his grandfather and brother Mico na starring sa Yamashita na entry sa Metro Manila Film Fest. Ayon kay Bernard, excited na ang kanyang lolo at naghihintay na sa showing ng pelikula.

Show comments