Dahil kay Rica, naging good boy ang bad boy na si Bernard Palanca

Walang pangingimi nang aminin ni Bernard Palanca sa ilang movie writers na nakausap niya recently na isang magandang pangyayari si Rica Peralejo sa kanyang buhay.

"She made the bad boy in me sleep," aniya. "She made me look at things in a brighter light. Me, I tend to look at things seriously. I am destructive emotionally," dagdag pa niya.

Bago si Rica, may dalawang babae na na-involve kay Bernard emotionally. Isa rito si Mylene Dizon. "She wanted control of our relationship. Pareho kami kaya we always clashed. In the end I asked her for a break-up."

Naging romantic item din sila ni Roselle Nava.

"But we were more friends than anything else. Wala kaming serious commitment," sabi niya.

Rica is the first girl that anybody from his family brought home, a girl that they all love. Lalo na raw ang lolo niya. "They all told me to keep her."

Hindi ba siya apektado sa trabaho ni Rica? Yung pagbi-bare nito at pakikipag-love scene?

"I am, that is why I don’t watch her movies. I can not watch her kissing anyone else. It’s hard to watch her love scenes. I watched Dos Ekis with the press but I closed my eyes during her love scenes.

"But I won’t, stop her from making movies. It’s what she loves doing. Tinanggap ko na na it’s what she does. Even if we’re married."

Is he serious with her?

"Very, till the world ends," matiim niyang sabi.

How true are the reports na kasal na sila? Ano yung suot-suot nilang bands?

"These are not wedding rings but commitment rings. I bought these in the States. We are still too young to marry. Both our parents advice us to take our time and not rush into marriage."

Bernard celebrated his birthday last Dec. 3 and because of this, he’s giving a special birthday concert with his band, the Bisqit Factory on Dec. 17 sa Hard Rock Cafe Makati. Sponsored by Jag Jeans, the jamming will start at 8 pm.

Rica will be Bernard’s guest and inspiration.
*****
Si Amada si Rica Peralejo, ang katulong sa tahanan ng mga Moretas (Dina Bonnevie and Edu Manzano). Na-possessed siya ng ispiritu ng Tatarin na ang pagdiriwang ay kasabay ng araw ni St. John the Baptist. She is drawn to worship an ancient balete tree at nag-trance para makalaya sa lahat ng inhibitions na nagbigay ng malaking kahihiyan sa kanyang asawa na driver ng mga Moretas (Raymond Bagatsing) na hindi niya alam ay may relasyon sa isa pang katulong na ginagampanan naman ni Patricia Javier.

Entry ang Tatarin ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival. Base ito sa dula ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin. Pinaka-mahal na pelikula ito ng Viva at isang period film na naganap nung 20’s (American Occupation). Direksyon ni Tikoy Aguiluz sa script ni Ricky Lee. May isa pang National Artist sa pelikula, si Lucresia Kasilag na nagbigay ng ilan sa mga musika na ginamit sa pelikula.

Si Lupe si Dina, asawa ng isang Don Paeng (Edu) na makatapos ang tatlong anak ay sawa na sa kanilang relasyon. Sumali ito sa ritwal ng Tatarin at naging isang enchantress.

Si Dina ang humiling na maisama sa cast si Edu dahilan sa bagay na bagay dito ang role. Si Dina naman ang original choice para sa role ni Lupe maging ng may akda ng istorya.

Kasama sa cast sina Daniel Fernando, Kristine Jaka, Ces Quesada, JR Trinidad, Fytos Soriano, Hannah Camille Bustillos, Tony Amador at Chinchin Gutierrez.

Show comments