About two years ago, nagpa-check-up si Maritoni sa Makati Medical Center sa lump sa kanyang right breast. Nagpa-mammography pa siya pero negative of cancer ang naging resulta nito. Nang ma-confine ang kanyang mommy in the same hospital, muli siyang nagpa-check-up at sinabihan siya ng doctor na i-monitor ang kanyang lump sa breast at muli itong bumalik after six months.
Nang magdesisyon ang kanyang mommy na magpa-second opinion sa Amerika, dinala ni Maritoni ang kanyang record at ipinakita niya ito sa doctor doon at dito nadiskubre na meron siyang malignant cancer of the breast.
Hindi makapaniwala si Maritoni sa kanyang narinig. Na-shocked siya ganun din ang kanyang mommy na siya namang na-diagnose na negative sa kanyang sakit (pulmonary embolism). That was April 4 nang siyay magpa-check-up, just a few days after her birthday last March 31. Kati-thirty-two pa lamang niya. Ang buong akala ni Maritoni ang kanser ay dumadapo lamang sa mga may edad. Panay ang sabi niya sa kanyang sarili na hindi pa siya mamamatay. Nung unang araw na sinabi ito sa kanya ng kanyang doctor, takot na takot siya pero na-realize niya na lahat naman ng tao ay doon din ang tungo pero sa ibat ibang panahon nga lamang. Walang sinumang makakatakas sa kamatayan pero ang nakakalungkot lang, maaga niyang iiwan ang kanyang kaisa-isang anak na si Alexie na anim na taong gulang pa lamang. Apat na araw ang ipinaghintay ni Maritoni bago niya ito sinabi sa kanyang asawa (Alex) sa Pilipinas.
Maging si Maritoni ay takang-taka kung bakit ito nangyari sa kanya. Shes leading a healthy life. Hindi siya naninigarilyo at kung umiinom man siya ay sa mga sosyalan lang at regular siyang nagi-exercise. Pero sa kabila nito, dinapuan pa rin siya ng cancer tulad ng ibang tao at wala itong pinipili mapabata man o matanda.
Halos panghinaan si Maritoni ng loob nang tanungin siya ni Alexie. "Youre not gonna die, right?" Tanong ng isang bata na napakahirap sagutin. Pero nagpakatatag si Maritoni alang-alang sa kanyang anak at sa kanyang asawa.
Unang tinanggal kay Maritoni ay ang kanyang lump sa kanyang right breast at sumunod na rito ang lymph node dissection kung saan 15 lymph nodes ang tinanggal just to make sure na hindi pa kumakalat ang cancer cells sa ibang parte ng kanyang katawan. At sumunod na rito ang chemotherapy na tumagal ng halos apat na buwan, once in every three weeks at pagkatapos ay ang radiation.
During the time na kini-chemo siya, nakalbo si Maritoni. Kaya napilitan siyang gumamit ng ibat ibang wig. Pero kapag wala siyang lakad ay hindi na siya gumagamit ng wig at nasanay na siya sa kanyang pagiging kalbo.
Since she was treated in West Virginia, napakahirap ng komunikasyon sa kanya dahil wala siyang makuhang cellsite. She had to travel for three hours para lamang makakuha ng signal kaya ang kanyang communication sa kanyang pamilya ay idinadaan niya sa internet. After her chemo treatment, nagtungo siya ng L.A. para magpahinga only to return to West Virginia after several weeks for her radiations.
Ang maganda lang kay Maritoni, naging matapang siyang harapin ang pagsubok sa kanya at lalong tumibay ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Dahil matagal ang kanyang stays sa West Virginia, napilitan sila ng husband niyang maghanap ng matitirahan temporarily at suwerte namang nakahanap sila ng isang napakabait na landlady na naging foster mother niya eventually. Nagkaroon siya ng extended family doon. At first, ayaw silang tanggapan ng upa pero pinilit nina Maritoni at Alex na kahit $200 ay tanggapin nila.
Nang matapos ang chemo treatment kay Maritoni, unti-unti na siyang tinubuan ng buhok at nang matapos ang kanyang radiation treatment, lumipad na siya ng L.A. para doon pansamantalang magpahinga. Dapat, September of this year pa sana siya babalik ng Pilipinas pero naurong ito ng December 5 dahil naging busy pa si Maritoni sa ibat ibang activities sa L.A.
Sa kabila ng kanyang naging karamdaman, naging buo ang pamilya ni Maritoni. Kasama niya ang kanyang husband na si Alex at ang kanilang anak na si Alexie. Bumalik lamang dito si Alex nang malaman niyang magaling na si Maritoni at tuluyan nitong nalusutan ang pakikipaglaban sa kanyang nakuhang breast cancer.
"Huwag ninyong hintayin na magkaroon kayo ng cancer. Itoy maiiwasan ninyo kung maaga kayong magpa-check-up. Ang breast cancer ay hindi lamang sa mga babae dumadapo kundi maging sa mga lalaki man."