Ang sexy star ay in-demand pa rin sa paggawa ng pelikula at naging kontrobersyal din noon sa pagkakaroon ng relasyon sa isang binatang-amang singer.
Magkasama sila ng kanyang ina sa tirahan kaya walang katotohanan na nagli-live-in na sila ng estranged husband ni Janice de Belen. Nakatutok ang kanyang pansin sa kanyang gumagandang career.
Nakilala siya nang husto ng mga tao dahil sa Magandang Tanghali Bayan at hindi sa intriga. Doon nagsimula na mabigyan siya ng mga komersyal ng shampoo at iba pa. Naging leading lady din siya ni Bong Revilla Jr. sa Agimat at nagkaroon ng regular TV shows Pangako Sa Yo at AttaGirl. Isang taon muna siyang pahinga sa soap opera kaya nami-miss niya ang mga kasamahang artista.
Mas type ni Vanessa na maging kontrabida. "Kasi Tita, mas challenging ito at madali kong mai-portray ang karakter. Mas maraming offer sa character role, di ba?
Marami pa siyang plano sa buhay like yong pag-aaral niyang mabuti ng Tagalog, paglabas sa pelikula at telebisyon.
Sa presscon ng Bahay Ni Lola ng Regal Entertainment ay nakausap namin siya at ikinuwento ang mga kababalaghang nangyari habang ginagawa ang pelikula. Ang location ay isang haunted house sa may Sta. Mesa na ayon sa ilang artista ay misteryoso at nakakatakot dahil may nararamdaman silang kakaibang bagay at paglabas ng mg ispiritu.
Hindi malilimutan ni Maybelyn noong maglaro sila ng ouyaboard isang madaling araw nina Miko Sotto at mga pinsan nito. Patay pa ang ilaw nang gawin nila ito. May ilang katanungan silang ibinibigay at kusang kumikilos ang kanilang mga kamay sa mga letra kaya nalaman din nila ang kasagutan tungkol sa isang yumaong dalagita na humihingi ng hustisya. Lumabas din ang pangalan nito at pagkatapos ay biglang nangamoy kandila.
Hindi matatakutin sa multo si Maybelyn. "Minsan ay nagtaping kami ng Biglang Sibol sa isang haunted house at nahintakutan ang ilang artista dahil nakakita sila ng mga batang nakasilip sa bintana. Nang tingnan namin ay wala namang mga bata roon."
Ayon sa caretaker ay talagang may nagparamdam o lumalabas na mga multo sa bahay na yun. Pero hindi natatakot si Maybelyn kahit mag-isa lang siya sa kuwarto during shooting break.
Sa pelikulang Bahay Ni Lola, anak siya ni Gina Alajar at apo ni Gloria Romero. Ipinagmamalaki niya ang movie dahil maganda ang pagkakagawa nito sa direksyon ni Uro dela Cruz. Itoy lkasali sa MMFF entries. Regular mainstay si Maybelyn sa Bagong Sibol at Cafeteria Pinoy.
Siya ang pangunahing bida ng mga kabataan sa Bahay Ni Lola. Gagampanan nito ang papel na bestfriend ni Miko Sotto na sumamang magbakasyon sa pamilya nito at nakaranas ng horrible experience sa tinutuluyang lumang bahay.
Dream nito na makatambal sa movie si Angelika balang araw dahil crush niya rin ito kaya enjoy siya sa taping ng kanilang soap opera.