Nasa Film Center na ang mga bading!

Sabi nga ng katabi kong nanood ng The Amazing Philippine Show, mas magaganda pa sa maraming totoong babae ang mga nagtanghal sa premiere showing ng The Amazing Philippine Theater, isang consortium ng mga Korean, Chinese, Japanese at Filipino investors na nagpasyang mag-produce ng isa at kalahating oras na pagtatanghal na magpapakita ng kagalingan ng mga bading na Pilipino sa Manila Film Center.

Ang The Amazing Philippine Show ay isang variety show na nagtatampok sa mga folk dances ng Korea, Japan, Philippines at China, lip sync numbers, comedy acts, hip hop and traditional dances. Ang ganitong palabas ay popular sa Thailand at bahagi ng kanilang tour package. Ito ay malakas magpasok ng maraming turista mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Inaasahan na ganito rin ang mangyayari sa Pilipinas. Nagsimula na ang pagtatanghal nung Lunes, Disyembre 10, sa Manila Film Center sa kabila ng maraming nakakatakot na istorya tungkol dito at ang sinasabing nagkakanlong ang lugar ng maraming ispiritu.

Lahat ng performer sa The Amazing Show ay mga lalaki– gays, transvestites at cross dressers, proving to the world that Filipino gays are second to none.

Ang APT ay hindi lamang inaasahang magpapasok ng mga turista sa bansa, magbibigay din ito ng trabaho sa maraming gay performing artists who have been discriminated dahil sa kanilang sexual preference. Ang kanilang paglabas dito ay mabibigay sa kanila at sa Pilipinas ng malaking paggalang at paghanga.

Kasama sa plano ng APT ang pagdaraos ng isang malaking palabas sa Cebu at paglalagay ng large-scale night markets para sa mga locals at tourists.

Showtime is 7:30 n.g.,Lunes hanggang Biyernes. May isang palabas mula Dis. l0 hanggang 20. Simula sa Disyembre 21, dalawa na ang palabas, isa sa 7:30 n.g. at ang ikalawa ay sa 9:00 n.g., Lunes hanggang Linggo. Mabibili ang tiket sa Manila Film Center boxoffice, direct agents at ilang piling hotel.
*****
Napakagaganda ng mga larawan ni Jessa Zaragoza na naka-display sa isang photo exhibit sa Ford Showroom sa Libis. Kuha itong lahat ni Raymond Lontok at bahagi ng promo para sa kanyang major concert na pinamagatang Mesmerize. Magaganap ito sa Music Museum sa Disyembre 14 sa direksyon ni Dingdong Avanzado.Musical director si Toti Fuentes at guest artists ang The Noisy Neighbors at Whiplash.

"Makikita ako sa concert hindi lamang bilang isang hitmaker kundi bilang isang concert performer," ani Jessa. " May mga dance numbers din ako," patuloy niya.

Muli, itinatwa ni Jessa ang kanyang pagiging jinx.

"Jinx ba yung marami akong shows sa abroad at binabayaran ng dolyar ang mama nyo? Kahit may asawa na ako ay nagkaroon pa rin ako ng TV show. Ang pinaka-maganda, nakalipat na rin kami ni Dingdong sa aming bagong bahay. Ang taong ito ang pinaka-busy ko sa buong career ko," pagmamalaki niya.
*****
Malaki ang mawawala sa inyo kapag di nyo napanood ang Circus de Ballet, ang tampok na palabas sa Star Theater ng Star City. Libre lamang ito sa lahat ng pumapasok sa Star City.

Nung Linggo, naging tampok na panauhin si Isabel Granada, sa palabas na "Belen". Ang ganda talaga ng produksyon. Kulang ang kalahating oras, parang bitin pa ang palabas.

Gusto kong batiin ang pamunuan ng Star City sa pagbibigay ng ganito kagandang panoorin sa lahat, hindi lamang sa mga may nakasabit na ride-all-you-can bracelets kundi maging dun sa nagbayad lamang ng entrance at namasyal sa loob ng Star City.

Salamat din kay Liza Macuja-Elizalde at sa kanyang Ballet Manila sa muling paglalapit ng ballet sa masa.

Show comments