Ang dating Miss Magnolia runner-up ay siyang maybahay na ngayon ng shipping magnate na si Roy Chiongbian. Nagpakasal ang dalawa sa isang intimate wedding ceremony sa Las Vegas, Nevada last October 8, two days before her 40th birthday. Ang wedding na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends ay ginanap sa Les Chapelles du Paradis ng Paris Hotel sa Las Vegas kung saan din ginanap ang reception.
Hindi lalampas ng 35 katao ang kanilang mga bisita na kinabibilangan ng mother ni Roy na si Gng. Priscilla Chiongbian, ang daughter ni Roy (by his first wife) na si Jennifer Chiongbian, Malus mother na si Alice Maglutac, her brother Joey with wife and two kids, ang mag-asawang Carlos Honeyboy Palanca at dating beauty queen-actress na si Dang Cecilio-Palanca at iba pang mga kaanak at kaibigan. Ang kanilang anak na si Anara ang nagsilbing flower girl. At the reception, nung nagsasayaw na ang bagong kasal, lumapit si Anara sa mag-asawa at hindi napigilan ni Roy ang maiyak sabay yakap sa kanyang mag-ina. That was a very touching moment sa mag-asawa.
Si Rajo Laurel ang gumawa ng damit ni Malu sa kanyang wedding.
Bago pa man nagpakasal sina Malu at Roy ay nagsasama na ang dalawa. After five years ng kanilang pagsasama ay saka lamang sila nagpakasal. Meron na silang isang anak si Anara Noelle who is turning 5 on December 13. Roy has two children by previous marriage sina Jennifer at James na parehong very close kay Malu.
Hindi nakarating ang respective father-in-law ng mag-asawa dahil pareho itong may karamdaman sa araw ng kanilang kasal.
Masayang-masaya si Malu sa kanyang buhay may-asawa ngayon sa piling ni Roy at anak nilang si Anara. Dumating kasi si Roy sa buhay niya at a time na sawa na siya sa kanyang pagkadalaga at handa na siyang harapin ang pagiging isang maybahay at ina. Roy is eleven years her senior at magkasundung-magkasundo umano sila maging sa sports na kanilang kinahihiligan, scuba diving.
But of course, hindi totoong loveless ang binata ni Tita Glo. Isang non-showbiz girl ang napupusuan ngayon ni Mikey at kung totoo ang nasagap naming balita, mukhang may isa na namang kasalang magaganap sa Malacañang sa isang taon, the last of which ay si Jackie Estrada, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada na ikinasal sa businessman na si Beaver Lopez.
Pagdating sa kanyang lovelife, tahimik lamang si Mikey lalupat hindi taga-showbiz ang kanyang kasintahan na nagmula sa isang prominenteng pamilya.
Nakita na namin ang picture ng girl. Maganda ito at mestiza at akma sa kanyang apelyido.
Samantala, excited ang actor-politician sa kanyang soon-to-be-release movie under Ecorp Films, ang action-romance-comedy film na Di Kita Ma-Reach na dinirek ni Willy Milan dahil kasama niya sa pelikula sina LJ Moreno (his love interest), Raymond Bagatsing, Tonton Gutierrez, Elizabeth Oropesa, Tommy Abuel at Eula Valdez na pawang bating pagdating sa pag-arte. Kasama rin sa pelikulang ito sina Yam Ledesma at Erwin Mateo.