Sa unang araw palang ng syuting ay pinatunayan na ng action star kung gaano siya ka-gentleman kay Angelika kung saan binigyan niya ito ng alalay na laging nakasunod sa magandang aktres. Lagi itong may dalang upuan na bilin ni Binoe at sinabing sundan lagi ang aktres at ibigay ang upuan para hindi siya mapagod.
Touched naman ang aktres dahil sa sobrang pag-aasikaso sa kanyang ng aktor. So far, maganda ang working relationship ng dalawa kaya smooth ang syoting.
Hindi kaya ligawan si Angelika ng guwapong action star?
"Tita, alam naman ng lahat na mahal na mahal ni Binoe ang kanyang pamilya kaya wala naman pong ligawang mangyayari sa amin. Talaga lang napaka-gentleman niya kaya nagugustuhan siya ng kanyang mga nagiging leading ladies. Pero crush ko rin siya noon pa pero hanggang doon na lang. Natupad din ang matagal ko nang pangarap na makapareha siya sa pelikula," sey pa ng aktres.
"Tahimik lang po ako Tita kaya napagkakamalang suplado at mayabang. Bago pa lang ako sa showbiz kaya hindi pa ako sanay. Hindi naman totoo yong pagiging seloso ko kay Angelika dahil hindi naman kami mag-on. Mag-bestfriend lang po kami dahil tapat siyang kaibigan at sa kanya ko lang naihihinga ang lahat ng problema ko sa buhay. Gusto ko munang mag-concentrate sa aking career," aniya.
Mag-isang namumuhay sa condo ang baguhang aktor kasama ng mga katulong. Ang kanyang inang si Ali Sotto ay may pamilya na naka-base sa Mexico pero madalas dumalaw dito. Ang kanyang amang si Maru Sotto ay may pamilya na rin at may isang anak. May isang kapatid si Miko at itoy si Chino na nakatira sa kanyang ama at nag-aaral sa Ateneo University na mas matanda sa kanya. Maganda naman ang relasyon nilang mag-ama at tuwing Pasko ay magkasama sila.
Mabait ang kanyang stepfather at magkasundo sila pero hindi siya mahilig mag-travel kahit pinapupunta siya sa Mexico ng kanyang ina.
Ano naman ang iriregalo mo kay Angelika ngayong Pasko? "Tita, mababaw lang naman ang kaligayahan niya. Ibibili ko siya ng friendship bracelet (yong mga beads) dahil mahilig siya rito. Pero ang mahalaga ay aalagaan ko ang aming pagiging magkaibigan dahil mahirap makahanap ng katulad niya," dagdag pa nito.
Ayon pa rin sa baguhang aktor ay ipagpapatuloy niya ang pag-aaral ng HRM sa College of Benilde kung saan second year na siya.