^

PSN Showbiz

Young actress, sobrang laki na ng ulo

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Usap-usapan ngayon ang paglaki ng ulo ng isang sikat na sikat na aktres na kamakailan lang nag-debut. Sa kanyang debut ay may ipinakilala sa kanyang isang respetadong kolumnistang lalaki. Malaki ang paghanga nito (kolumnista) sa maganda at sweet na aktres pero nawala ito nang dedmahin lang siya nito at tiningnan mula ulo hanggang paa matapos ipakilala. Pagkatapos ay biglang hinatak ng aktor na nali-link sa kanya ngayon patungong ballroom ang debutante. Ni hindi man lang ngumiti ang aktres sa writer o nagpaalam dito. "Naku panahon lang niya ngayon dahil sikat ang kanyang soap opera. Pero dahil sa kasupladahan niya ay babagsak din siya," sey ng writer.
Binigyan Ng Alalay Ni Robin Si Angelika
Nagsimula na ang syuting ng Hari ng Selda (Baby Ama 2) na halos lahat ng eksena ay kinunan sa bilibid. Nagkita na rin ang magkaparehang sina Robin Padilla at Angelika dela Cruz.

Sa unang araw palang ng syuting ay pinatunayan na ng action star kung gaano siya ka-gentleman kay Angelika kung saan binigyan niya ito ng alalay na laging nakasunod sa magandang aktres. Lagi itong may dalang upuan na bilin ni Binoe at sinabing sundan lagi ang aktres at ibigay ang upuan para hindi siya mapagod.

Touched naman ang aktres dahil sa sobrang pag-aasikaso sa kanyang ng aktor. So far, maganda ang working relationship ng dalawa kaya smooth ang syoting.

Hindi kaya ligawan si Angelika ng guwapong action star?

"Tita, alam naman ng lahat na mahal na mahal ni Binoe ang kanyang pamilya kaya wala naman pong ligawang mangyayari sa amin. Talaga lang napaka-gentleman niya kaya nagugustuhan siya ng kanyang mga nagiging leading ladies. Pero crush ko rin siya noon pa pero hanggang doon na lang. Natupad din ang matagal ko nang pangarap na makapareha siya sa pelikula," sey pa ng aktres.
Miko, Mayabang Nga Ba?
Nakakwentuhan namin si Miko Sotto, ang rumored boyfriend ni Angelika at tinanong namin siya kung bakit negatibo ang mga publisidad niya gaya ng pagiging mayabang at super-seloso lalo na kay Angelika. Gaano katotoo ang mga ito?

"Tahimik lang po ako Tita kaya napagkakamalang suplado at mayabang. Bago pa lang ako sa showbiz kaya hindi pa ako sanay. Hindi naman totoo yong pagiging seloso ko kay Angelika dahil hindi naman kami mag-on. Mag-bestfriend lang po kami dahil tapat siyang kaibigan at sa kanya ko lang naihihinga ang lahat ng problema ko sa buhay. Gusto ko munang mag-concentrate sa aking career," aniya.

Mag-isang namumuhay sa condo ang baguhang aktor kasama ng mga katulong. Ang kanyang inang si Ali Sotto ay may pamilya na naka-base sa Mexico pero madalas dumalaw dito. Ang kanyang amang si Maru Sotto ay may pamilya na rin at may isang anak. May isang kapatid si Miko at ito’y si Chino na nakatira sa kanyang ama at nag-aaral sa Ateneo University na mas matanda sa kanya. Maganda naman ang relasyon nilang mag-ama at tuwing Pasko ay magkasama sila.

Mabait ang kanyang stepfather at magkasundo sila pero hindi siya mahilig mag-travel kahit pinapupunta siya sa Mexico ng kanyang ina.

Ano naman ang iriregalo mo kay Angelika ngayong Pasko? "Tita, mababaw lang naman ang kaligayahan niya. Ibibili ko siya ng friendship bracelet (yong mga beads) dahil mahilig siya rito. Pero ang mahalaga ay aalagaan ko ang aming pagiging magkaibigan dahil mahirap makahanap ng katulad niya," dagdag pa nito.

Ayon pa rin sa baguhang aktor ay ipagpapatuloy niya ang pag-aaral ng HRM sa College of Benilde kung saan second year na siya.

vuukle comment

AKTRES

ANGELIKA

KANYANG

LANG

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

TITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with