Yamani, gustong maging beauty queen
December 9, 2001 | 12:00am
Tama lang ang pangalang Yamani sa singing talent na mula sa Prime Music dahil punung-puno siya ng kaalaman sa pag-awit.
Last year dumating sa Pilipinas si Yamani (real name: Michelle Tan) na galing Vancouver, Canada. Bahagi ang pagpunta niya sa bansa sa pagkakapanalo niya bilang Bb. Pilipinas-Canada 2000.
Naging winning song ni Yamani sa talent portion ng beauty pageant ay ang "Sanay Wala Nang Wakas" ni Sharon Cuneta.
Nang dumating siya sa bansa, nagpamalas siya ng galing sa pag-awit nang mag-guest siya sa ibat ibang programa sa television sa Manila. Napansin siya ng Prime Music at inalok ng recording contract.
Nakalimutan na niyang sumali sa Bb. Pilipinas ng taong iyon at pag-awit ang kanyang naging priority. Middle of 2001 nagkaroon na ng sariling album si Yamani. Pinasikat niya ang revival ng "Hindi Ako Laruan" na original hit noon ni Mimi Baylon.
Ang album na Yamani, "Bakit Ba?" ay under Prime Music at release ng Viva Records.
Ang album ay kinapapalooban ng 10 awiting: "Hindi Ako Laruan", "Higit Sa Buhay Ko", "My Love Will See You Through", "Bakit Ba?" (words and music by Mary Beth; "If You Love Me", "O Kay Rupok", "Sigurado Ka Ba Sa Kanya?", "It Hurts To Say Goodbye", "Palayain Mo Ako" and "Wishing It Was You".
Ang GMA executive na si Wilma Galvante ang nagbigay ng pangalang Yamani. Nagmula ang pamilya Tan sa Victorias, Negros Occidental.
Pinili ng mga magulang ni Yamani na manirahan sa Canada at doon na ipinanganak ang talentong singer. Sa gulang pa lang tatlo ay kinakitaan na siya ng hilig sa pag-awit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended