Sa isang phone-patch kay Mayor Malonzo na ginawa ng Startalk kahapon ng hapon, diumano ay sinabi niya na nagtataka rin siya kung bakit nawala sa pito ang pelikula ng Manhattan Asia Films na pinamagatang Mga Batang Lansangan...Ngayon. Kinumpirma naman ng isang reliable source ang sinabi ni Mayor Malonzo at idinagdag pa na kasunod nito, sa number seven ang Hesusmaryosep at nasa 8th position ang Di Kita Ma-Reach. Bakit iba ang na-announce sa Dulcinea? Mayroon bang scam?
Itinatwa naman ito ng isang myembro ng MMFF 2001 committee na si Wilson Tieng during the launching of Health For Life, Inc, his new business venture, at the Edsa Shangrila Hotel nung Biyernes ng gabi. Pinabulaanan ito ng Solar Films producer sa pamamagitan ng pagsasabi na hindi pa man daw ginagawa ang pelikula ni Mikey ay talagang itinakda na na pito ang magiging entry sa MMFF sa taong ito.
Nevertheless, ang pitong entries na inihayag sa Dulcinea kahapon ng umaga ni Mayor Rey Malonzo ay ang Bagong Buwan ng Star Cinema at Bahaghari, starring Cesar Montano sa direksyon ni Marilou Diaz-Abaya; Bahay Ni Lola ng Regal Films topbilled by Gina Alajar, Manilyn Reynes, Aiza Seguerra and Gloria Romero, sa direksyon ni Uro dela Cruz; Hesusmaryosep ng Maverick Films with Bobby Andrews, Bojo Molina, Gerald Madrid at Polo Ravales; Joel Lamangans Hubog kasama ang magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi, Jay Manalo at Wendell Ramos; ang pelikula ni Dina Bonnevie na Tatarin para sa Viva Films sa direksyon ni Tikoy Aguiluz, Di Kita Ma-Reach starring Mikey Arroyo at LJ Moreno at ang Yamashita ni Chito Rono with an all-star cast.
Ang 8th entry, ang Mga Batang Lansangan na diumano ay na-bumped off at the last minute ng bagong tatag na Manhattan Asia Film ay makakapasok lamang kapag ang isa sa pitong napili ay hindi payagan ng MTRCB na maipalabas.
It was a let down sa bagong movie outfit sapagkat naniniwala silang maganda ang project nila kaya handang handa na sila sa kanilang malalaking plano, kasama na ang grand party for the streetchildren sa Amoranto Stadium. Ang pelikula ay tungkol sa mga batang lansangan. Bahagi ng kikitain ng pelikula sa kanila mapupunta.
Next year, ang Markova ay magiging entry sa mga international filmfests sa Palm Spring, Dauville, Mar de Plata, Los Angeles (gay and lesbian cinema) at San Francisco (Asian filmfest).
Muling mapapanood ang Markova simula Disyembre 12 hanggang 24 sa mga sinehan ng SM (Megamall, Southmall, Manila at Fairview).
Nakasali ang pelikula sa MMFF last year.