"In my five years in the business, never pa akong nakagawa ng pelikula na napasama sa MMFF," aniya.
"Kung papalarin na makapasok ang movie namin ni LJ, isa na siguro ako sa pinakamasaya," ani Mikey.
Si Mikey ay nagsimula sa showbiz nung senador pa lamang ang kanyang ina. Ipinakilala siya sa pelikula ni Robin Padilla, Anak, Pagsubok Lang na produced ng FLT Films at sumunod na rito ang Santo Santito ni Michael Rivero. Nakasama niya si Ronnie Ricketts in three movies Hawak Ko Ang Buhay Mo, Kahit Sa Bala Kakapit at ang Ang Boyfriend Kong Pari. Tatlong beses din niyang nakasama ang action star at Pampanga governor na si Lito Lapid sa pelikula. Dalawang beses naman sila nagkatrabaho ni April Boy Regino sa Hindi Ko Kayang Tanggapin at Super Idol at sumunod na rito ang kanyang first starring role, ang Mahal Kita, Kahit Sino Ka Pa under MMG Films kung saan niya nakatambal ang young superstar na si Judy Ann Santos.
Nung nasa pulitika pa siya, kulang na kulang ang panahon sa kanyang pamilya dahil ang oras niya ay okupado ng kanyang pagiging isang public servant, bagay na hindi naman niya pinagsisisihan.
Ngayong wala (muna) siya sa pulitika, mas nahaharap niya hindi lamang ang kanyang obligasyon sa kanyang pamilya kundi maging ang kanyang pagiging isang artista.
Patuloy pa ring pinagkakaabalahan ni Bong ang kanyang Idol Ko Si Kap at shooting ng kanyang bagong movie under Viva Films, ang Mahal Kita... Final Answer kung saan niya kapareha ang sexy star na si Rufa Mae Quinto mula sa direksyon ni Ike Jarlego.
Ayon kay Bong, hindi umano niya nilalagyan ng tuldok ang kanyang political career kaya malamang na muli siyang kumandidato sa hinaharap.
Ang isa pang kapuri-puri kay Jolina ay ang pagpasok niya sa negosyo at an early age. Huminto man siya balang araw sa kanyang showbiz career, meron siyang sariling negosyo na masasandalan. Kilala at establisado na ang kanyang Jolina Fashion Gallery na meron nang sangay sa ibat ibang lugar ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Si Jolina rin siyempre ang personal endorser ng mga fashion lines ng Jolina Fashion Gallery na siya na rin mismo ang nagde-design. Kamakailan naman ay ni-launch ang kanyang "Singing Jolina Dolls" na may anim na ibat-ibang costumes. Naka-out na ito sa market.
Samantala, tapos na ring gawin ni Jolina sa Star Cinema ang movie nila nina Leandro Muñoz at Rafael Rosell, ang Kung Ikaw ay Isang Panaginip.