Binyag ng kambal ni Aga, di tuloy

Hindi natuloy ang binyag na naka-schedule today ng kambal nina Aga and Charlene Gonzales.

As of presstime hindi pa naga-advice ang mag-asawa kung kailan itutuloy ang binyagan.
*****
Ngayong araw naka-schedule i-announce ng MMFF Executive Committee ang pelikulang kasama sa MMFF Magic 7. Ilan sa mga inaasahang papasok ang Bahay ni Lola (starring Gloria Romero), Yamashita (starring Armando Goyena), Hubog (Assunta and Alessandra de Rossi), Tatarin (Edu Manzano, Dina Bonnevie and Rica Peralejo), Bagong Buwan (Cesar Montano, Amy Austria and Caridad Sanchez), Walang Iwanan, Peksman (Jinggoy Estrada and Judy Ann Santos) and Di Kita Ma-reach (Mikey Arroyo and LJ Moreno).
*****
Up to this moment, hindi pa tapos ang special effects na ginagawa ng Road Runner Network Inc. headed by Alan Escaño para sa Yamashita starring Armando Goyena under MaQ Productions na isa sa probable entry sa Metro Manila Film Festival. Mismong si Alan, managing director ng Road Runner ang nagsabi na lahat ng puwede nilang gawin para maging realistic ang bawat eksena sa pelikula ay ginawa ng Road Runner.

"Lahat ng ginagamit dito, ginagamit din sa Hollywood," said Alan sa presscon ng Yamashita. Mas realistic ang ginawa nilang effects dito compared sa Spirit Warriors last year na kasama rin noon sa MMFF. "Mas realistic dahil nag-research talaga si Direk Chito (Roño) para makuha lahat ng details ng mga nangyari noon. Like ‘yung battle ship. Ni-research niya lahat ng mga ginamit ng mga Hapon noon," he added.

Isa sa highlights ng ginagawa nilang special effects ang tora-tora na nag-start sa drawing sa computer na nang matapos, ala-Pearl Harbor ang effect. Kitang-kita ‘yun sa full trailer ng pelikula nang mapanood namin sa editing room ng Road Runner.

Niri-recommend din ni Alan na dapat sa movie house na may magandang sound panoorin ang pelikula dahil dolby stereo ang ginamit nila rito. "Kasi kung papanoorin n’yo lang sa small theater, hindi maa-appreciate ng manonood ang sound ng pelikula," he averred.

Aside from Yamashita, ang Road Runner din ang gumawa ng special effects sa Bagong Buwan, Tatarin and Bahay ni Lola.

Gumamit din sila ng crowd multiplication sa Yamashita. "Sa crowd multiplication kasi mas makakatipid ang producer dahil hindi na kailangang ganoon karami ang extra. Dito, ginawa namin ang 900 crowd ng hanggang ten layers. Saka madaling i-handle ng director."

Maraming flashback sa pelikula. Sa mga nasabing eksena papasok ang highlight- special effects.

"Yamashita presents an entirely different challenge for us at Road Runner. It’s nothing like we have done before of this scale and magnitude. We see the CGI demands of this film as comparable to the kind of CGI work that has made visual wonders of such big Hollywood hits like Saving Private Ryan, Pearl Harbor, Titanic and Thin Red Line," added CGI artist Dodge Ledesma.

Hindi pa nako-closed ang negotiation between Road Runner represented by Alan and MaQ Productions (Mother Lily Monteverde) kaya ayaw pang magbigay ng definite answer ni Alan kung magiging industrial partner sila ng pelikula tulad ng set-up nila sa Spirit Warriors last year or kung babayaran na lang sila ni Mother Lily. Industrial partner ng Regal ang Road Runner sa Spirit Warriors kaya may certain amount silang nakuha sa kinita ng pelikula last year kung saan nag-no. 1 ito sa box office.

Industrial partner meaning wala silang gagastusing pera sa pelikula. Ang contribution lang nila ay ang effort sa special effects. Pero kung babayaran ng Regal ang Road Runner sa ginawa nila sa pelikula, more or less P20 M ang aabutin.

At any rate, aabot sa halos P80 M ang budget ng MaQ sa kabuuan ng proyekto.

With Armando Goyena in the movie are Albert Martinez, Vic Diaz, Rustom Padilla, Camille Prats, Danilo Barrios among others.

Grabe ang pagka-kontrabida ni Rustom sa pelikula bilang isang Japanese criminal syndicate triggerman. "Kaya nga ako laging nakaitim dito kasi literally, masama talaga ako sa pelikula. I’m sure, magagalit sa akin lahat ng manonood," he averred.
*****
Salve V. Asis’ e-mail: psnbabytalk@hotmail.com / sva@i-next.net

Show comments