Kung inyong matatandaan, naging abala si Piolo sa ibat ibang commitments ngayong taon. Nariyan ang kanyang regular soap opera na Sa Puso Ko, Iingatan Ka with Judy Ann Santos at ASAP. Nakadalawang movies din siya this year, ang Mila at Bakit Di Totohanin both in Star Cinema. Siyempre ang sangkatutak na shows ng Hunks kasama sina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Bernard Palanca at Carlos Agassi. Ngayong taon ay nakapag-put up din si Piolo ng kanyang business. Nariyan ang dalawang outlets niya ng Hammerhead at Dickies. Nitong October ay ipinalabas ang TV commercial ni Piolo endorsing a softdrinks.
"I really need a break," ang naging sambit na lang sa amin ng aktor nang huli naming makausap.
Pagkatapos ng bakasyon ay ratsada na naman ang aktor sa movie. Dalawa ang sabay niyang ginagawa, isang movie with Joyce Jimenez at isa naman with Donita Rose.
First quarter of next year ay kayod-marino na naman siya. As early as now kasi ay naka-book na ang Hunks sa kanilang US Tour 2. This time, go naman ang tropa sa San Diego, Las Vegas at Hawaii. Sa February naman ay may show sila sa Japan.
Diyos miyo, hindi pa nga nakakaalis si Piolo for his much-needed rest eh, trabaho na agad ang naghihintay sa kanyang pagdating.
Just recently, Harvard USA signed up seven Talent Center artists para i-endorso ang kanilang newly-launched apparel. Sina Baron Geisler, Luis Alandy, Stefano Mori, Karlyn Bayot, Hazel Anne Mendoza, Alwyn Uytingco at Dennis Trillo ay bagong endorser ng nasabing line.
Sila ang pitong nakapasa sa panlasa ng management ng Harvard USA para mag-endorso nito. Malaki ang plano ng Harvard USA sa multi-media campaign ng kanilang line. Nariyan ang mga mall shows, dura-trans, billboards, posters at fashion shows to highlight their line.
Kaya expect to see the said stars na suot ang Harvard USA clothes sa kanilang mga shows.
Kaya nga sa nakaraang Christmas Special ng ABS-CBN Talent Center sa ASAP last Sunday na ginanap sa Sir Henry Lee Irwin ng Ateneo de Manila University, join si Jett sa mga production numbers.
Bukod sa singing, welcome na rin si Jett sa idea na lumabas na rin sa ibat-ibang programs ng ABS-CBN. Willing siya to appear in sitcoms and soap opera. Ito ang matindi niyang pinaghahandaan ngayon. Inihahanda na ang series of acting workshop ni Jett under the tutelage of Ms. Beverly Vergel.
With Talent Center backing him up, tiyak na mas lalo pang magiging in-demand si Jett bilang performer. Tiyak na marami ang maninibago once Jett is seen in a field na ibang-iba sa nakasanayan sa kanya ng tao.