Alam naman ng lahat na kabarkada niya dati ang dati ring Gobernador ng Cavite na si Bong Revilla kasama sina Rudy Fernandez at Phillip Salvador, pero kumalas si Bong sa dahilang alam na rin ng lahat.
"Pero, hindi siya ang pinatutungkulan ng titulo. Gawa na ang pelikula bago pa nangyari ang lahat," sabi niyang may panghihinayang sa tanong na kung si Bong ba ang pinatutungkulan ng titulo. He admits na nagti-text pa rin sa kanya ang dating kaibigan pero, hindi niya sinasagot. "Kay Daboy ako bilib dahil araw-araw naririto siya at dumadalaw. Walang patid," sabi niyang may pagmamalaki. "Si Ipe, dumadalaw din," dagdag pa niya.
Natatawa si Jinggoy kapag naaalala na kumanta at sumayaw siya sa pelikula. Sa gitna pa ng kalye na marami ang nanonood. Hiyang-hiya raw siya nang ginagawa niya ang eksena pero nang mapanood niya ang trailer ng movie, sinabi niyang sulit pala ang kanyang ginawa. Balak ng Maverick Films na isali ang movie sa darating na MMFF pero kung hindi ito mapili ay sa second week ng January 2002 na lamang ito ipalalabas.
Kung mapili naman ang movie, wish niya na makasakay ng float at makadalo sa awards night. "Kung hindi papagawa na lang ako ng lifesized poster na gumagalaw at kumakaway ako," sabi niyang may pagbibiro.
"Nagulat nga ako nang lapitan ako ni G. Ricky del Rosario at alukin ng recording contract. Pero, tinanggap ko agad ang offer," aniya.
Ang self-titled album ay naglalaman ng 10 awitin na pinangungunahan ng carrier single na "Ikaw Lamang Sa Puso Ko" nina Freddie Saturno, Alvin Nuñez at Eric Apuyan.
Siya si Joey na hindi kasundo ng mga kapatid niyang sina Gina Alajar at Manilyn Reynes. Gusto niya ang laging mapag-isa na kasama ay ang kanyang gitara. Pumunta siya ng probinsya at tumira sa kanilang lumang bahay na pag-aari ng kanilang inang si Gloria Romero. Nagkataon naman na yon din ang balak ng buong pamilya kaya di rin siya napag-isa. Pero, habang naroroon sila ay ibat ibang nakakatakot na pangyayari ang nangyari sa kanila.
Kasama rin sa movie sina James Blanco,Maybeline dela Cruz, Miko Sotto, Maxene Magalona, Isabela de Leon at Allan K.