John, abala sa pelikula
December 4, 2001 | 12:00am
Maganda ang takbo ng career ng model-turned-actor na si John Apacible. Isa siya sa mga bida ng kasalukuyang pinipilihan na pelikula ng Seiko, ang Tikim, kung saan ay gumanap siya bilang henchman ng isang drug lord ng sindikato at inutusan siyang iligpit ang eyewitness ng isang krimen.
"Masaya ako at naging bahagi ako ng pelikulang ito ni Jose Javier Reyes," sabi ng aktor. Kakapalabas lang nga ng Tikim ay may kasunod nang proyekto si John, ang The Hustler na kung saan ay lead villain siya ng Japanese actor na si Jacky Woo. Kasama rin nya rito sina Ricardo Cepeda at Josephine Canonizado.
Mapapanood din siya tuwing Sabado sa family drama ng ABS-CBN, ang Munting Paraiso kung saan ay kasama niya ang mga mabibigat na artista tulad nina Coney Reyes at Ronald Valdez. "Suwerte ako sa taong ito dahil sunud- sunod ang mga project ko," sabi ni John.
Marami ring pelikula ang nagawa ni John noong nakaraang taon tulad ng Labrador ni Lito Lapid, Onsehan ni Carlos Morales at Parehas Ang Laban ni Ian Veneracion. Malapit na ring ipalabas ang Pistolero kung saan ay kasama niya si Jeric Raval.
Sumabak na rin siya sa Teatro sa pamamagitan ng stage plays na Ginoo ng Calamba at ang Batang Tondo (bilang Jose Rizal), Limbo at Lungga. Gusto ni John na gumanap ng ibat ibang klase ng roles dahil gusto niyang makilala bilang isang versatile actor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended