In the movie, he plays Lt. Ricarte, isang neutral na sundalo na may integridad. At bilang preparasyon sa role, nag-undergo si Jericho ng training sa Fort Bonifacio kung saan nagkaroon sila ng drills.
"Tinuruan kami kung paano gumamit ng M16, 45 cal. At machine guns. We also underwent training on military tactics. Mahirap talaga yung naging physical preparation namin sa movie," lahad ng aktor.
Puring-puri ni Jericho ang istilo ng director niyang si Marilou Diaz-Abaya. First time niyang makatrabaho ang multi-awarded lady director.
"She has a style na di ko nakita sa ibang director. She brings out the best in his actors."
Whats good sa career ni Jericho, even without Kristine Hermosa ay tanggap siya ng fans. Like in Tanging Yaman last year, napansin siya ng husto sa kanyang role. He was even nominated sa ibat-ibang award-giving bodies. Ganito rin ang inaasahang mangyari dahil balitang-balita ang kanyang kahusayan sa Bagong Buwan.
Kasama rin sa movie sina Amy Austria, Carlo Aquino, Jodi Santamaria, Caridad Sanchez, Jiro Manio at si Cesar Montano. Mula ito sa panulat nina Ricky Lee at Jun Lana.
"At first, akala ko suplada siya," sabi ni Alfred sa unang araw ng taping niya sa nasabing teleserye. "Pero habang tumatagal, yung ngiti niya, alam mong shes a nice person inside. Na-prove ko yun."
Hindi maitatanggi na very close ngayon sina Kristine at Jericho pero ayon kay Alfred, masaya na siya sa ipinakikitang sweetness sa kanya ng dalagang aktres.
"She has this charm na talagang any guy would fall for her. Iba ang appeal ni Kristine. No wonder, she is the most popular young star today," sabi pa ni Alfred.
Mabilis ang kapit ng suwerte kay Alfred. Imagine, kalu-launch lang niya bilang member ng Star Circle 10 ay agad na siyang nabigyan ng leading man role. At agad na napasama sa pinakasikat na programa ngayon sa telebisyon, ang Pangako Sa Yo. Sa katunayan, personal choice siya ni Rory Quintos para gumanap sa nasabing role.
"We were called to audition for the role, mostly for my batch din. Then the following day, I was called to report to the set. I didnt expect na ganon kabilis yun," kuwento pa ni Alfred.
Hindi puwedeng tawaran ang talent ni Alfred. The fact na siya ang nakuha ni Direk Rory for the coveted role, there must really be something in him.
Ipinanawagan namin sa kinauukulan ang imbestigasyon sa kaso ni Robert. Masyado na ata itong natakpan ng kaso ni Nida Blanca. Paano na yung narinig namin na tutulong daw si Senator Loren Legarda?
Please lang, sa ikatatahimik naming mga kaibigan niya, pamilya at ng kaluluwa ni Robert, bigyan ninyo ng pansin ang kaso ni Robert!