^

PSN Showbiz

Kambal nina Aga & Charlene, bibinyagan na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Naka-schedule binyagan sa Saturday, December 8, 2:30 p.m. ang kambal nina Aga & Charlene Muhlach, Atasha and Andres.

Simple lang ang preparation ng mag-asawa sa baptism ng twins. Mga closed relatives and friends lang ang invited.

Anyway, wala munang balak sundan ng mag-asawa ang kambal nila. Kuwento nga ni Charlene, mahirap manganak. Ceasarean operation kasi ang delivery ng actress kaya feel niya ‘yung sakit.
*****
Totoo kayang may Yamashita treasure? Bata pa kasi ako, usap-usapan na ang tungkol sa umano’y Yamashita treasure na pinagpipilitang hanapin ng treasure hunter. Pero wala naman silang makuha. Ang nagsabi lang na may nakuhang yaman ay ang mga Marcoses na sinasabi raw noon ng the late Ferdinand Marcos na ang Yamashita treasure ang dahilan ng kanilang biglaang pagyaman. Pero maraming hindi naniniwala sa kuwentong ‘yun ni Marcos. Dinadahilan lang daw ‘yun ng namatay na presidente bilang panakip butas sa pangungurakot niya sa gobyerno.

Ano nga bang totoo dito? Ang Regal Films ay nag-decide na gawan ng pelikula ang Yamashita treasure, Yamashita The Tiger’s Treasure starring Armando Goyena para kahit paano ay magkaroon ng pagkakataon ang mga ilan nating kababayan na limot na ang kuwento ni Yamashita na umano’y ibinaon sa bansa ang kayamanan bago namatay noong February 23, 1946.

Si Yamashita Tomoyuki na kilala ring si Yamashita Hobun, by name "Tiger of Malaya" na ipinanganak noong November 8, 1885 sa Konchi, Japan ay isang Japanese general na naging matagumpay sa pag-atake sa Malaya (ngayon ay Malaysia and Singapore) during World War II.

Halos 60 years na ang nakakaraan simula nang umano’y iwanan ni Yamashita ang kayamanang billion ang halaga - gold bars and jewels na nakakalat sa maraming bahagi ng bansa. At kung makukuha raw ang kayamanang ito, mababayaran ng Pilipinas ang lahat ng utang natin sa World Bank at may sobra pa na puwedeng gamitin ng ilan nating kababayan para makaahon sa kahirapan.

Pero may nagsasabi naman na may nangyaring conspiracy - na ang malaking bahagi ng Yamashita Treasure ay nakuha na pagkatapos ng Pacific War na ginamit ng Japan para makabawi ang kanilang ekonomiya.

Maraming kuwentong lumabas tungkol sa Yamashita Treasure. May pagkakataon pa nga na napabalita sa The Weekly Post na nakunan ng isang TV camera crew ng TV Asahi, isa sa mga key TV station sa Japan ang 1,800 gold bars na nagkakahalaga ng $150 million sa isang bundok na malapit sa Maynila. Ayon sa report, naka-engrave pa raw sa gold bars ang word na "gold" in Japanese letter na kino-consider nilang bahagi ng Yamashita Treasure.

Maging si former Joseph Estrada ay nagbigay ng directive no’n sa Presidential Commission on Good Government na imbestigahan ang sinasabi ni Marcos na kayamanan niya na galing sa Yamashita Treasure.

Habang tumatagal, lalong dumarami ang kuwento tungkol sa kayamanang naiwan sa bansa ni Yamashita.

Kaya naman nag-desisyon ang Regal Films headed by Mother Lily Monteverde na gumawa ng pelikula na tatalakay sa mahabang kuwento ng tinatawag na ‘Tiger of Malaya.’

Pero siyempre, modern na ang approach sa kuwento starring Armando Goyena na after 20 years ay nagbabalik pelikula.

Also in the movie na possible entry sa 2001 MMFF are Vic Diaz, Albert Martinez, Rustom Padilla, Danilo Barrios, Camille Pratts, Mico Palanca, Ethan Javier among other. The movie is under the direction of Chito Roño.
*****
Star studded ang naka-schedule na mass for movie industry na sponsored ng Professional Artists Management Inc.(PAMI) headed by June Rufino, tonight, 7:00 sa St. Louise Chauvett (inside St. Paul College).

I heard na nag-promise na a-attend si Da King Fernando Poe Jr., Dolphy, Susan Roces, Gloria Romero, Aga Muhlach, Joyce Jimenez at marami pang iba. Nag-promise na rin daw ang GMA 7 at ABS-CBN na magpapadala sila ng representative sa nasabing mass.

Ito ang tamang oras para sa lahat ng bahagi ng movie industry na mag-participate para sa family na naiwan ng biktima ng sunud-sunod na tragedy sa movie industry.

Lagi kong naalala na ‘yung sinasabi ni Ms. Ethel Ramos na mabuti na ‘yung tayo ang dumadamay sa nangangailangan kesa tayo pa ang dinadamayan.
*****
Salve V. Asis email: [email protected]/[email protected]

AGA MUHLACH

ALBERT MARTINEZ

ARMANDO GOYENA

PERO

REGAL FILMS

TIGER OF MALAYA

TREASURE

YAMASHITA

YAMASHITA TREASURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with