^

PSN Showbiz

Bong, feeling binata ngayon

-
Ala-una na ng gabi nang matapos ang taping ng Idol Ko Si Kap ng GMA 7. Noon lang nagpaunlak sa isang exclusive interview si Ramon "Bong" Revilla, Jr.. "Noong unang inalok ng GMA sa akin itong sitcom na ito, medyo nag-atubili ako. Ang iniisip ko kasi noon, yung image ko as an action star," sabi niya noong Huwebes. "But then, time flies and I also want to be very different, at the same time, to improve my craft. Isa pa, hindi lang kami nagpapatawa rito, kapupulutan pa ng aral ang sitcom na ito."

"Actually, yung ginagawa ko sa Idol, hindi ordinaryong ginagawa ng isang action star," patuloy ni Bong. "It’s beyond my image before. Kumbaga, humulagpos na ako sa dati. Komedyante na talaga ang dating ko dito."

May kinahantungan naman ang pagsisikap ni Bong. Tinanghal siyang best comedy actor sa Star Awards for TV nitong huling parangal. "Hindi ko ini-expect na mananalo akong best comedy actor. I was shocked nang banggitin ang pangalan ko as winner. I thought na baka manalo ang Idol Ko Si Kap as best comedy series. But not for best comedy actor. Talagang mga comedian ang mga kalaban ko. Kaya sabi ko sa speech ko, ‘Action star po ako, hindi ako komedyante!’"

Magkapareha silang dalawa ni Rufa Mae Quinto sa nasabing comedy show. Habang nagtatagal, nali-link na sila at umano’y nauwi sa isang relasyon. Ngayon, ginagawa pa nila ang pelikulang Mahal Kita, Final Answer directed by Ike Jarlego, Jr. Tiyak na ang anggulo ng promotion ay love angle. "Okey lang," sabi ni Bong. "Nakakatulong sa show namin sa TV. I heard it’s doing very well."

"Rufa Mae is a good actress, very nice, very charming," hayag ni Bong. Inungkat ko yung tungkol sa aksidente ni Rufa Mae kamakailan. "Nung maaksidente si Rufa Mae, nasa gym ako noon sa Alabang nang tawagan niya ako. Malapit lang kasi ang Alabang, nasa Laguna siya. Umiiyak siya nang tumawag. ‘Tulungan mo ako rito, puro duguan ang kasama ko!’ Kahit naman siguro sino ang tawagan ng ganun, magri-respond. Hindi ko na inintindi yung intriga, yung tsismis, eh ano, di ba? Kasama ko si Rufa Mae sa trabaho. Humihingi ng tulong, ba’t hindi ko tutulungan?"

Balitang dinala nga niya si Rufa Mae sa ospital. Binantayan ba niya? "Dinala ko lang siya sa ospital. Hindi ko siya binantayan. Wag na lang nating ungkatin pa yon!"

Liligawan ba niya si Rufa Mae kung binata pa siya? "May asawa na nga ako, eh! Sa pelikula lang puwede yon. Alam mo naman, palagi akong nami-misinterpret. Kaya ayokong sagutin yung tanong na yan!"

Pero siya (Bong) raw ang dahilan kung bakit break na ngayon sina Rufa Mae at boyfriend nitong si Rudy Hatfield? "Ang alam ko, hindi pa sila break."

Pero noong huling punta niya sa Amerika, nagkasabay silang dalawa ni Rufa Mae sa eroplano? "Hindi kami nagkasabay ng pag-uwi. Hindi kami nagkita sa States! Alam lang namin, pareho kaming nasa States. Teka, yang panghuhuli mo para kang pulis, a!"

Biglang bumuwelta ang usapan sa kukunin niyang kurso sa Amerika sa isang taon. "It’s just a short course in Business Management," sabi ni Bong. Paghahanda ba ito sa kanyang political career? "It depends whether I’ll push through or not. Gusto ko sana, pero tatantyahin ko muna. I don’t want to talk about politics, lalo yung sa nangyari."

Matagal namagitan ang katahimikan, pero nagpatuloy siya. "I did everything as governor of Cavite. Wala silang masasabi when it comes to my accomplishments. I think sa nangyari, it changed me for the better. Pag nawala ka sa posisyon, diyan mo makikita kung sino talaga ang tunay mong kaibigan."

Magiging aktibo si Bong sa pelikula sa isang taon. Pagkatapos ng Mahal Kita, Final Answer, gagawa pa siya ng dalawang pelikula na makakasama niya sina Rica Peralejo at Joyce Jimenez. Muling magiging aktibo si Bong sa sarili niyang production.

Bagong Bong Revilla ang makikita ng publiko sa susunod niyang pelikula. "I lost 30 pounds to keep fit. Sa role ko sa Mahal Kita, I will look dignified, very formal, with finesse, mala-Richard Gere ng Pretty Woman movie. Ibang Bong Revilla ang dating ko diyan."

Ayon kay Bong, ang tatlong pelikula niyang hindi malilimutan ay 1) Dugong Buhay ("It was my very first movie, 1983) 2) Panday (My favorite) at Relaks Ka Lang, Sagot Kita ("I won FAMAS best actor, 1994). May dream picture si Bong. "Gusto kong makagawa ng isang pelikula na mala-Balangiga Massacre ang dating. My father (Senator Ramon Revilla) did that a long time ago, yung Sunugin ang Samar, 1974, it is about Filipino-American war in 1901."

At sino naman ang 3 sexiest actresses niya? "Syempre, una, si Rufa Mae. Sexy ang figure niya, super-kinis pa. Biased ba ako? Susunod, si Rica Peralejo. Sexy din ang katawan niya, bata pa, still blooming. Third, si Joyce Jimenez, malakas ang sex appeal niya. Iba ang charm niya."

Wala ba siyang plano na magsamang muli ng asawa niyang si Lani Mercado sa isang pelikula? "Wala muna," sabi niya. "Binata muna ang image ko ngayon!" At bigla siyang napatawa. Kitang-kita ang kasiyahan niyang iyon sa mga mata. (Ulat Ni Arthur Quinto)

vuukle comment

AKO

BONG

LANG

MAE

MAHAL KITA

NIYA

RUFA

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with