"Weirdo rin pala siya," sey ng ilang taga-showbiz dahil lagi itong may dalang plastic bag na ang laman ay ang abo ng yumaong karelasyon niya na i-cremate kamakailan. Katwiran ay gusto niyang laging dala ito para maramdaman na parang kasama pa rin niya ito kahit saan siya magpunta.
Mahal na mahal nito ang yumaong Tibo na nagkaroon ng malaking bahagi sa kanyang buhay. Inalagaan siya nito at nabigyan ng magandang buhay. Minahal talaga siya ng karelasyong T-bird kung saan matagal-tagal din silang nagsama. Hanggang ngayon ay hindi niya malimutan ang karelasyon kaya lagi pa rin itong umiiyak at laging kayakap ang plastic bag na may lamang abo ng kanyang mahal.
Ang aktres na laging may dalang abo ng namatay na kaibigan ay malimit pa ring napapanood sa TV.
Noong una ay atubili siyang tanggapin ang pagiging dubbing direktor pero na-challenge si Eric sa bagong assignment na ipinagawa sa kanya ng Solar Films. Enjoy silang lahat habang nasa dubbing studio.
Ang resulta, naging maganda at super ang katatawanang mapapanood sa pelikula na tumatalakay tungkol sa Thai male volleyball team na nanalo sa national championship noong 1996 kung saan ang koponan ay binubuo ng mga bading. Sa press preview ay nag-enjoy ang mga press people kahit katatawanan ito dahil sa magandang mensahe na dapat ay igalang ang karapatan ng mga bading na humihingi din ng respeto sa kanilang kapwa.
Ayon pa rin kay Eric naging malaking hit ang pelikula nang ipalabas ito sa Toronto Film Festival.
Ito ang naging pahayag ni Dingdong "Wala akong balak na makipagkumpetensya kahit kanino. Ayaw kong i-compare ako sa iba bastat ang gusto kong ipamalas ay ang kakayahan ko sa pag-arte," aniya.
Hanga rin sa aktor ang kaparehang si Tanya dahil sinabi nito na hindi siya mahirap mahalin dahil gentleman ito, magalang, maalalahanin at kitang-kita ang pagiging edukado. May posibilidad na ma-link sila sa isat-isa, di ba?