^

PSN Showbiz

Judy Ann/Piolo, naghahanda na sa kanilang future

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Hating-hati ngayon ang panahon ng batang superstar na si Judy Ann Santos sa kanyang pag-aartista at paghahanapbuhay.

Matatag na ang takbo ng kanyang unang negosyo, ang Kilimanjaro Bar and Restaurant sa Timog, kumbaga sa sanggol ay hindi na dumaan pa sa paggapang ang restaurant ni Juday, nakatayo at nakalakad agad, dahil sa personal nilang pamamahala ng kayang inang si Mommy Carol.

Ngayong maayos na ang takbo ng Kilimanjaro ay namumuhunan naman ang batang aktres sa kanyang franchise ng Anonymous, ang paboritong pamilihan ng mga kabataang mahiligin sa kung anu-anong gamit-pangdalaga.

Kasabay ng Anonymous ang pagtatayo rin niya ng Natural Spa, palibhasa’y palaging pagod at puyat, kaya alam niya kung ano ang kailangan ng mga kaibigan niyang artista.

Ang dalawang bagong bukas na negosyo ni Juday ay nasa Outlet Yard sa Quezon Avenue, pareho sila ng kanyang ka-loveteam na si Piolo Pascual na nagbukas ng negosyo sa naturang lugar.

Ang kay PJ naman ay franchise ng Dickies at ng iminomodelo niyang Hammerhead ang tinututukan, maganda na ang takbo ng negosyo ng aktor, at ‘yun ang inaasikaso ni Piolo kapag wala siyang trabaho.

Nakatutuwang makakita na ang mga bata pang artista ngayon pa lang ay naghahanda na sa kanilang kinabukasan, hindi nga naman kasi sa lahat ng panahon ay maningning ang kanilang mga bituin, darating din ang oras na may iba na namang papalit sa kanilang posisyon.

Sa halip na gastusin ang kanilang pinaghihirapan sa mga walang kuwentang bagay at sa halip na malulong sa mga bisyong tiyak na makasisira sa kanilang buhay, habang maaga pa ay inilalagay na nina Juday at Piolo sa tamang aspeto ang kanilang kinikita.

Kapag nakikita namin ang ginagawang pagsisikap nina Piolo at Judy Ann sa kabila nang pagiging abala nila sa pag-aartista ay nanghihinayang naman kami sa mga kabataang nalilihis ng landas.

Maraming kabataang artista ang lulong ngayon sa pesteng Ecstacy, ewan naman kung bakit nagpapatalo sila sa ipinagbabawal na gamot na kung hindi naman nila bibilhin ay hindi sila magkakaroon, kaya puwedeng-puwede nilang iwasan.

Nakapanghihinayang ang kanilang talento, napakaraming kabataang suntok sa buwan ang tsansang sumikat pero nangangarap pa rin at nagsisikap, pero sila namang nakaposisyon na sa labanan ay kung bakit sinasayang pa ang oportunidad na hawak na nila at lilinangin na lang.

Milyun-milyong kabataang Pinoy ang nangangarap na makilala at kumita ng sarili nilang pera, kaya sana nama’y magising na habang maaga pa ang mga kabataang artistang sinasayang ang kanilang buhay at kinabukasan sa paggamit ng droga.

At hindi lang mga kabataang lalaki ang tinutukoy namin, may mga alam din kaming kabataang babaeng nanghihiram ng lakas ng loob at tapang sa droga.

Milyon-milyon ang anumang oras ay yayakap at magkakagustong humalili sa kanilang kinatatayuan ngayon, oportunidad na hindi naman minamahal at iniingatan ng mga kabataang walang disiplina sa buhay.

Minsan lang kung kumatok ang magandang oportunidad, kumatok man nang makalawa ay suwertihan na lang, kaya mag-isip-isip na sana ang mga kabataang ito na sinasayang ang mas maganda pang kapalarang naghihintay sa kanila.

vuukle comment

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KABATAANG

KANILANG

KILIMANJARO BAR AND RESTAURANT

NAMAN

NATURAL SPA

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with