Aurora Halili, representative sa Mrs. World pageant

Sa mga nakaka-miss kay Carol Banawa, ang singer na sinasabing may crystal clear voice, ay nasa ASAP bukas. Si Carol ang mangunguna sa Christmas special ng ABS-CBN Talent Center na gaganapin sa Sir Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo University. Matatandaan na a month ago ay umalis si Carol para simulan ang isang musical sa Singapore kung saan siya ang bida. At dahil naka-commit ito sa ABS-CBN na babalik just for the Christmas special, dumating nga ang singer last Thursday.

She will be in the country for a week lang at babalik agad sa Singapore. In her one week stay, magpu-promote si Carol ng album niya sa Star Records with the single "Muntik Na Kitang Minahal!"

Tiyak na matutuwa na naman ang mga tagahanga ng teen diva sa presence ni Carol sa ASAP bukas.
* * *
Gusto naming i-wish ng good luck si Aurora Halili, ang ABS-CBN talent na magri-represent sa bansa sa Mrs. World Pageant na gaganapin sa Las Vegas, Nevada. Si Aurora ay napili ng Artist Camp Modelling Agency ni Ovette Ricalde (country director) na maging official candidate.

Sa mga hindi nakakaalam, si Aurora ay asawa ni Don Laurel (a fellow artist of ABS-CBN Talent Center). May isa na silang anak, si Danica Mae Laurel who is 6 months old. Mainstay si Aurora sa Home Along Da Riles at Recuerdo de Amor.

Along with other candidates from other countries, Aurora will be staying in Las Vegas Hilton mula December 7-20 para sa preparation.

Last year, si Maricel Morales ang ating representative at pinalad na maiuwi ang title na Mrs. World. Idinadalangin namin ang tagumpay ni Aurora Halili sa nalalapit niyang competition.
* * *
Masyado naman yatang OA ang reaksyon ng isang writer ng isang broadsheet sa ini-impose na ban diumano ng Talent Center sa tinanggal na co-manager ni Carlos Agassi na si Rapi Revilla. If it’s true na may directive ang management ng Talent Center na i-prohibit itong si Rapi na makapasok sa premises ng ABS-CBN compound, well may matinding dahilan ang ABS-CBN management.

Tinitira ng nasabing writer sina Mr. Johnny Manahan at Mr. Deo Edrinal na siyang nagbaba diumano ng nasabing directive kay Rapi. Hindi lubusang kilala ng nasabing writer itong si Rapi na ipinagtatanggol niya.

Para sa kaalaman ng marami, marami pa ring co-managers ang mga artista ng Talent Center. Nariyan sina Boy Abunda, Chito Roño, Joji Dingcong, Archie Ilagan, Vera Isberto, Del Pascual at marami pang iba. At dahil matitino ang mga ito, maganda ang pakikitungo na ibinibigay sa kanila ng management.

Naniniwala kaming tama lang ang ginawa ng Talent Center kesa naman gumawa pa ng hindi maganda itong si Rapi. Aba, kailangan talagang protektahan nina Mr. Manahan at Mr. Endrinal ang mga artista ng Dos.

At ang pinaka-latest, may threat itong si Rapi sa Talent Center. Hindi nito sinabi kung ano ang gagawin niya. Kaya mas mabuti na ’yung ginawa ng Talent Center na huwag siyang papasukin sa compound ng Dos.

Show comments