May nakapagkuwento sa amin na nag-break sina Nikki at Troy via phone lang. Meaning, hindi na sila nakapag-usap ng matino at since then, hindi pa sila muling nagkikita.
Sabi nga, kapag may di magandang pangyayari sa buhay ng isang tao (specially sa lovelife), isubsob mo ang ulo mo sa trabaho at madali kang makaka-recover. Ganito ngayon ang drama ni Nikki.
Nakatapos na siya ng isang movie kasama sina Claudine Barretto at Rico Yan, ang Gotta Believe In Magic under Star Cinema. Marami ang hindi nakakaalam na may solo concert si Nikki sa Sabado, December 1, 9 p.m. sa Music Museum. Ito yung Nikki Beyond Limits na benefit show na prodyus ng Banal Na Pag-aaral Catholic Movement, special guest sina Marco Sison at JM Rodriguez. Si Alain de Leon ang director ng show.
As of the latest survey conducted sa mga radio stations like Star FM, Yes FM, DM, KY, Love Radio, DWKC, RX at WRR, nag-number one ang nasabing song sa OPM Chart at number 4 sa over-all foreign and local songs. At ang the height, just last Saturday sa Magandang Tanghali Bayan ay ginawaran sina Echo at Tin ng gold record award ng Star Records.
O, di ba naman at hindi lang sa TV at pelikula successful sina Echo at Tin, pati na rin sa recording. Theres really no stopping the two from emerging as local showbizs most bankable stars.
"I cant stand seeing her do love scenes with her leading man. But since I have no choice, hindi ko na lang pinanonood ang movies niya. Mahirap na, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko," sabi ni Bernard.
Sa December 3 ay birthday ni Bernard. Wala pa siyang plans kung paano niya ito isi-celebrate but for sure, magkakaroon sila ng celebration ni Rica.
"I might have a birthday show," sabi ni BJ (palayaw ng aktor). "Siguro, ii-invite ko si Rica sa show ko."
Malaki ang ipinagbago ni Bernard mula nang mabihag niya ang puso ni Rica. No wonder, botong-boto ang pamilya ni Bernard kay Rica. Kung si Rica daw ang mapapangasawa ng binatang Palanca, wala silang reklamo.