^

PSN Showbiz

Janette McBride, umuwi na ng Canada

- Veronica R. Samio -
Muntik pa kaming magkaiyakan nung Martes sa Victor Room ng Annabels’ Restaurant na kung saan ay nakipag-meet sumandali sa entertainment press si Janette McBride para mamaalam at magpasalamat sa mga naitulong nila sa kanyang career. Isang oras na lang at lilipad na siya at uuwi na ng Canada para makapiling muli ang kanyang pamilya na matagal na niyang nami-miss. Lalo na ang kanyang mom.

"Pero, hindi ako buntis na tulad nang nababalita," ang sabi niya sa kanyang medyo matatas nang pagsasalita ng Tagalog. Hindi rin totoo ang ibinibintang ng marami na si Ryan Agoncillo ang father ng sinasabi nilang ipinagbubuntis ko. Even if it is true that he is courting me, there isn’t enough time para mabuntis niya ako," ulit niya.

Tatlong taon nang nasa bansa si Janette. She was discovered via the Star Circle. Ka-batch niya si Leandro Muñoz. At the time, tisay na tisay pa siya at hindi marunong mag-Tagalog. Pero, in time natuto rin siya. Sayang nga lamang at kung kailan nagsisimula nang mag-bloom ang kanyang career ay saka niya naisipan na talikuran ito.

Fifteen years old lamang si Janette nang magsimula siyang mamuhay dito sa Pilipinas nang nag-iisa. Nung una ay kasama niya ang kanyang mom pero, kinailangan nitong bumalik ng Canada sapagkat mayroon siyang isang kapatid na lalaki na alagain pa.

"I learned how to live independently. I was forced to.

"I have to admit that I didn’t cope very well," paliwanag niya.

Tatlong taon na rin silang may relasyon ni Mo Twister.

"I like him because he is funny and he speaks well. Dahil siguro pareho kaming foreigner, we understand each other’s feelings very well. Ganun lang. And maybe because I found it hard to make friends, marami sa kanila ay plastik, it became a sort of "You and Me" against the world," dagdag pa niya.

May naiwang movie si Janette sa kanyang pag-alis, ang Andrew E. starrer from FLT Films International na Burlesk King (Daw O...!). Directed by Ipe Pelino. Also starring Geneva Cruz, Long Mejia at marami pa.

Incidentally, parang comeback directorial chore ito ni Ipe Pelino na ang pinakahuling pelikula ay ang Anting Anting. Na-sidetrack siya ng kanyang napakaraming assignments sa TV gaya ng Kool Ka Lang, Kakabakaba at Cafeteria Pinoy.

Nagsimula siyang scriptwriter matapos siyang mag-graduate ng Political Science sa San Beda at nakatapos ng dalawang taong pre-law sa Ateneo. Dati siyang nasa ABS-CBN na kung saan ay marami siyang natutunan kay Johnny Manahan. Siya ang writer for 11 years ng Cheeks To Cheeks na ipinagmamalaki niya na ni minsan ay hindi nag-replay. Naging writer din siya ng Kaluskos Musmos, Sitak Ni Jack, Palibhasa Lalaki, Mikee, Spotlight at sa Home Along Da Riles for a while pero umalis siya nang mayroon silang hindi pinagkasunduan.

"Sa pagsusulat ng script, naging mentor ko si Mang Ading Fernando pero yung pagdidirek, kay Johnny Manahan ako natuto ng lubos," ani Ipe.
*****
Nakakatuwang pelikula ang Pagdating ng Panahon na talagang pinanood ko at dinayo pa ang premiere night nung Martes ng gabi sa Cinema 10 ng Megamall.

At kahit napakahirap pumasok ng sinehan dahil sa kapal ng tao, talagang isiniksik ko ang sarili ko para hindi masayang ang pagod at oras na ginugol ko sa pagpunta ng Megamall.

Napaka-Joyce Bernal ng movie. Maraming nakakikiliti at nakatatawang moments. Pero kuha ni Direk ang pulso ng manonood, kung paano sila kikilitiin at paano makuha ang kilig nila.

Payat na talaga si Sharon although maraming eksena na dapat ay payat na siya sapagkat nanggaling na siya sa Maynila pero, mataba pa rin siya. Cute yung eksena ng mga matatandang dalaga na ginampanan nina Amy Austria, Marissa Delgado at Baby O’Brien. How nice to see them again on the big screen. Sina Rosemarie Gil, Bing Loyzaga at Rufa Mae Quinto rin.

Maraming dapat ipaliwanag ang movie pero, baka naman ako lang ang mangailangan ng paliwanag. Perhaps, the general moviegoers will just settle on the entertainment values of the film.

AMY AUSTRIA

ANDREW E

IPE PELINO

JANETTE

JOHNNY MANAHAN

KANYANG

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with