Successful ang US concert ni Rica Peralejo

Dalawa ang ginawang konsyerto ni Rica Peralejo sa US kasama ang kapatid na si Paula. Ang una ay sa Monterey, isa’t kalahating oras na biyahe mula sa San Francisco. One hundred seventy ang seating capacity nito pero umabot ng 300 ang dumating at nanood ng show.

Ang ikalawang show ay sa War Memorial Theater sa San Francisco naganap. May mga kasama sila ni Paula na local talents dun. Bago ang kanilang performance ay ginanap muna ang Search For Calendar Girl 2000. Parang Music Museum ang itsura ng lugar na dinayo ng mahigit sa 800 mixture of Pinoys and other nationals.

Dapat ay may palabas pa si Rica sa Los Angeles. Kaso lang the producer wanted Rica to use minus one as accompaniment. Ayaw ni Rica, gusto niya ng live band. "Wala talagang fixed date yung LA show. Sa Monterey at San Francisco ay di naging happy si Rica na kumanta with minus one. Isa pa, mahirap yung biglaang booking na walang promo. Kaya di na lang namin tinanggap ang offer," anang mom ni Rica.

Bago umuwi ng bansa ay may naisara silang show sa LA sa Pebrero 2002 kaya may enough time to promote the show. At tiyak na live band ang sasaliw sa kanya.
*****
Naayos na ng record producer ni Martin Nievera yung kontrobersya niya sa Internet na kung saan ay pinararatangan siyang "credit stealer" dahilan lamang sa may binago siya sa lyrics ng awiting "We Don’t Know How To Say Goodbye", isang komposisyon ng isang kilalang songwriter na foreigner na may pangalang Dianne Warren. Nang ibigay ang kanta kay Martin ay hindi siya nasabihan na foreigner ang nagmemeari nito. Akala niya ay binili ito para sa kanya at mayroon siyang karapatan na ibahin ito para mas mapaganda pa. Na-realize lamang nila ang kanilang error nang lumabas nga si Martin sa Internet.

Sa ngayon ay wala nang problema, naayos na ito ng mga record producer ni Martin. Katunayan, kasama ang awitin sa kanyang album sa MCA Universal na pinamagatang "More Souvenirs". Ang unang "My Souvenirs" ay naging gold agad makatapos ang isang linggo na ilabas ito sa market.

Malapit na itong maging multiple platinum. Ang "More Souvenirs" ay naglalaman ng mga hits ni Martin na nakasama sa mga previous albums niya.

Gaya ng "Traces", "Wildflower", "On The Wings Of Love", "Unchained Melody", "What Matters Most" at marami pa.

Dahilan sa panahon ng Kapaskuhan, may dalawang original Christmas songs dito si Martin. Ang isa ay ginawang Christmas theme ng Gift Gate, ang "Can’t Stop Christmas" at "All I Want (This Christmas)".

Bago rin ang mga awiting "My New Souvenirs", "Imagine Me Without You", "My Heart’s Song", isang musical tribute para sa mga biktima ng World Trade Center at "Simply Amazing".

May mga music video rin na kasama ang album ng mga awiting "We Don’t Know How To Say Goodbye", "You’re My Everything" at ng "What A Wonderful World", "The Harder I Try", "Love Me For What I Am", "You Take My Breath Away", at "Our Father/Believe" mula sa kanyang XVll at XVlll concerts.
*****
Kung hindi n’yo pa kilala si Lito Camo, hot artist ng BMG Music Pilipinas at mang-aawit ng "Miss Na Miss Kita", mula sa "Ano Camo Ulit" album niya ay makikilala nyo rin siya. For sure, sa dami ng naka- line up na shows niya sa mga malls, siguradong makikita nyo siya. Nakatakda siyang kumanta sa SM Bacoor (Nob. 30), Ali Mall (Dis. 2), SM Manila (Dis. 7), SM North Edsa (Dis. 8), Robinson’s Place (Dis. 9), SM Pampanga (Dis. 15), Robinson’s Metro East (Dis. 28) at Robinson’s Novaliches (Dis. 29). Makikita rin siya sa probinsya sa SM Iloilo (Dis. 20), SM Cebu (Dis. 21) at SM Davao (Dis. 22).
*****
Ano ba naman ito? Wala nga namang namatay o naaksidente pero, isang malaking sunog naman ang naganap na tumupok sa Republic of Malate na pag-aari ni Kuh Ledesma. Showbiz din ito di ba?

Ayon kay Salve Asis na kumuha ng balita, grabe raw talaga ang nangyari. Talagang walang natira sa dating lugar na nagtatampok ng mga palabas at talinong Pilipino. Si Kuh rin ang may-ari ng Music Museum nang una itong masunog maraming taon na ang nakakaraan.

Show comments