Tungkol naman sa kaso sa brutal na pagpaslang kay Nida Blanca, malaki ang paniniwala niya na may kinalaman ang mister ng aktres sa naganap na krimen. Nagsasabi rin daw ng totoo ang hired killer na si Philip "Jun" Medel. Mahuhuli rin daw ang kasangkot sa pagpaslang kay Nida na si Mike Martinez.
Si Bro. Arman din pala ang nakahula sa pagpanaw ng dalawang movie scribes na sina Rey Cañete at Robert Perez. May susunod pa raw na matandang manunulat. Yung aksidente ni Vandolph ay nahulaan din niya.
Maaari po ninyong tawagan siya Lunes hanggang Linggo sa tel. nos. 837-9767 or cell. 0919-6016198. O maaari rin ninyo siyang sadyain sa kanyang tanggapan sa No. 23 Daisy St., Purok 6-C Lower Bicutan, Taguig Metro Manila.